Dapat Lang Na I-Clap Clap!

Bago ang lahat…

Ako lang ang luma.

Asus! Gasgas na ang intro ko. :D

Grabeeeeee! Ang tagal din bago ko nai-angat ang sarili ko na magka-gana para chumika ulit dito sa blog ko. Eh kasi naman…grabe naman yung nagdaan na week. Mula ng namayapa si Tita Cory ay araw-araw na lang yata din na tumutulo ang luha ko tuwing napapanood ang tv coverage ng funeral nya. Bentang-benta sa akin ang mga paggaralgal ng boses ni Kris tuwing ini-interview at sa mga pamamaalam nya sa nanay nya. Hayss… todo-crayola talaga si Mamaru.

Nways, kahit alam ko na purgang-purga na kayo sa kwentuhan ng tungkol sa lamay at libing ni Tita Cory…bago mahuli ang lahat, gusto ko lang din ibulalas (ibulalas daw o’) ang paghanga ko dun sa apat na gwardya na naging tuod ng mahigit sa walong oras na nakatayo habang nagpo-prosesyon.

I’m sure humanga din kayo dun sa apat. Ang akala ko talaga noon ay may reliever sila dun sa pwesto nila. Pucha, wala pala! Astig!  Karapat-dapat talaga sila i-clap clap!

Hmmmn..paano kaya nila nakayanan yun? Nabasa ko nga sa Inquirer, well-trained daw talaga mga yun. Kinakaya nga daw ng mga yun ang matulog habang nakatayo! Matuk nyo yun? Hahaha!  Baka nga trained din yun na matulog na dilat ang mata! Tingin nyo? Hindi ko tuloy maiwasan mag isip na baka nung mga oras na nakatayo sila dun sa cortege ni Tita Cory ay baka mga tulog ang mga yun at hindi lang natin napapansin kasi nakadilat mata nila.

More than eight hours din silang walang food and water.  Well, ang gutom, pwede pang tiisin yun. Pero paano kaya yung call of nature gaya ng pagwewe…hmnnn, hindi naman kaya magkasakit sila sa pantog ng dahil dun? Pero may duda ako na may catheter ang apat na yun na nakakabit sa pototoy nila! Hahaha!

Ah basta!  To Army Pfc. Antonio Cadiente, Airman Second Class Gener Laguindan, Navy Petty Officer 3 Edgardo Rodriguez and Police Officer 1 Danilo Maalab, I salute the four of you!! Mabohey Keyo!

* * * *

Quote Of The Day:

“Endurance is one of the most difficult disciplines, but it is to the one who endures that the final victory comes.” – Buddha quotes

Related Posts with Thumbnails

One comment

  1. melithNo Gravatar says:

    oo nga noh ang galing ng apat na yun..inisip ko nga habang pinapanood ko sila kung naiihi na ba sila?hehe
    .-= melith´s last blog ..Metro Manila Story =-.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge