Nagbasa-basa ako kanina ng online news sa Yahoo nang maalala ko na naman si Michael Jackson.
Napakasikat nya sa buong mundo dahil sa galing sa pagkanta at siempre sa pagsayaw. Nakakalungkot lang isipin na noong nabubuhay pa sya… eh praning sya. Nasabi ko ‘to dahil hindi naman sekreto na halos hindi sya magkandatuto noon kung ano gagawin sa mukha at kulay nya, di ba?
Ang hirap din talaga pag sandamukal ang kaperahan ng isang tao noh? Andun yung kung anu-ano na lang ang mga naiisipan ipa-retoke sa katawan. Kaya tuloy parang ayaw ko na yumaman at baka kung anu ano gawin ko sa bodylicious ko.
Gaya na lang sa mga dagdag-bawas na mga ginagawa ng mga kababaehan ngayon sa katawan nila. Kaloka! Siempre kuntento na ako sa laki ng bubs ko halimbawa. Pero pag yumaman ako, malay mo at mapraning din ako at magpalagay ng isa pang bubs para maging tatlo! Ang saya siguro. The more tities and nipples that I have, the merrier! Waaaa! Hahaha! Pucha, di naman kaya magmukha akong mamuy nun?
Well ganun yata, pag nagiging mayaman yata ang tao ay nakakalimutan na ang maging kuntento.
Balik tayo kay Michael Jackson. As for MJ, nakakalungkot na he really craved for BEAUTY not knowing some of the important truths:
Na palaging wagi ang sinasabing “inner beauty” kesa panglabas na kagandahan. Cliche na nga siguro, pero it is always better to focus on inner quality than changes for beauty that are merely skin-deep.
‘Ika nga, your face is not you. Mas panalo siempre kung minahal ka sa pango mong ilong, sa mala-uling mong kulay, yung sa maging sino ka man (and the soul within) kesa yung sasambahin ka ng dahil sa mga external coverings mo.
See, external beauty fades with the passing of time. Kahit anong retoke ang gawin sa balat at mukha mo ay hinding hindi mo matatalo ang panahon. Sabi nga sa english, when your “perfect” face ages, then you will have nothing to hold on to.
Naniniwala akong to be truly attractive, you have to know who are you so you can shine with the treasures of inner beauty, love, wisdom, peace and happiness. O ha! Sey nyo? Tunog normal-normalan na naman ako.
Seryoso ako, huwag na kasi tayo makipag kompetensya pa lalo na sa ibang lahi na kakaiba ang kulay ng balat o facial features para maging maganda kuno. Wag natin kalimutan that Mother Nature has provided us with a body – and we should use it for higher goals instead. Sa madaling salita, mga utoy at ineng, pag may nangailangan ng katawan mo, dios mio! – IBIGAY at IPAGAMIT mo!
Hmmn…layo yata ng interpretation ko.
* * * *
Quote of the Day:
”The deeper that sorrow carves into your being, the more joy you can contain.” –Kahlil Gibran








hmmm, mamaru, napapaisip mo na naman ako.
plano ko sana magpa puti pag may pera na ako. hehhe.. hahaha
syempre jowk lang.
siguro binti ko na lang.. heheh
i-stretch ko. hehehe
toinks..
addiction daw kasi yan eh.. as in sakit talaga… aun..
shea´s last blog ..meet my new babies (katas ng raket)
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:36 pm:
Patingin nga ng legs mo, shea! Hehehe! baka naman di na kelangan paputiin yan. Daliiiii…piktyuran mo.
Reply
hehe, galing naman nito..minsan naiisip ko din na gusto ko ring magparetoke to ease my insecurities in my life..
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:39 pm:
Kunsabagay, kung makakapag pataas ng self-esteem ang konting retoke sa katawan at kung kaya naman ng kadatungan eh why not choc nut di ba?
Ateng, maraming salamat sa palagiang pagbisita mo sa blog ko.
Reply
hmm? di ba nagparetoke lang sya nung una dahil 1. may sakit sya… yung sa skin? nagkakaroon yata sya ng white patches… tapos 2. he got into an accident before, nasunog yata hair nya…
pero yun, nagstart dun then he got addicted na sa mga surgeries…

rich´s last blog ..Blog Awards – Moved
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:44 pm:
yung puti-puti sa balat ata nya ay parang kay gov. panlilio ng pampanga. hmmmn…nakalimutan ko kung ano tawag dun sa sakit na yun. basta andito lang yun sa dulo ng dila ko.
nakita ko rin yung video nung nasunog buhok nya. kaso kapatid, tingnan mo naman yung ilong nya. ampangit na tuloy tingnan. para syang manikin. hehehe!
yun na nga…na adik na sa kung anu anong retoke. madatung kasi.
Reply
rich
reply on August 17th, 2009 9:16 pm:
lol pangit nga yung nose. XD feeling ko after 100 years pag tinignan ulit yung remains nya na-disintegrate na lahat…excep yung ilong nya! XD
rich´s last blog ..Blog Awards – Moved
Reply
hhmmm mamaru,pag aq maraming pera,ipaparetoke ko c PGMA n maging kmukha nia c tita cory pra mahalin nmn cia ng tao kht papaano bwahahahha….
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:46 pm:
loko ka talaga! hehehe! cute naman si GMA a. hahaha! laki pa ng boobs, di ba? nagparetoke din para maging boobsy.
Reply
ako paretoke ko etits ko hehehe
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:46 pm:
magpatuli ka na lang. hehehe!
Reply
tama. dapat talaga makuntento kung anong meron tayo at kung ano ibinigay. pero syempre may mga bagay na mainam pa rin na iparetoke. lalo na yung mga lalaking hindi biniyayaan ng malaki at mahabang…toooooottttt. buti na lang okey yung akin. di na kelangan ng retoke. gusto mo ng proof mami? ahm basta, hindi ako nagsisinungaling hahahaha
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:47 pm:
basta hindi ako naniniwala na malaki ang tooooooot mo. a basta! tu si es tu bilib! misyu popoy, dear!
Reply
Magparetoke ka kung gusto mo. It’s your choice. Pero at the end of the day lahat naman tayo iiwanan ang ating mortal na katawan, mabubulok din lang.
Sana me retoke rin ng pag uugali, kabaitan at pagmamahal para lahat ng tao happy at less ang gulo sa mundo ibabaw! Bow!
Dorm Boy´s last blog ..Kwarto at Double Deck
Reply
MARU
reply on August 15th, 2009 6:51 pm:
Amen brader…amen!
mahirap yata yung magparetoke ng ugali. hehehe! iba-iba kasi kinalakhan ng tao. pero maganda ang iyong mga sinabi, bro! mabohey ka!
Reply
ms maru!
sabi sa matanglawin, peter pan syndrome daw yang kay mj. hmm, tipong sobrang vanity kasi ayaw tumanda (c peter pan hindi tumatanda db).. hayun naalala ko lang po hehe
mula sa cbox, nasa comments section na ko! wooohooo! upgraded! lol ^_^
chennn´s last blog ..tag + tag = tag*tag = tag^2
Reply