Welcome Home, Bunso!

music note While writing this, I was listening to “I’m Yours” by Jason Mraz

Chikahan namin sa YM ng 13-year old doter kong si Keziah nung nag-sleepover sya sa mga pinsan nya last week:

keziah : ma, bakit ngayon ka lang nag online?
M A R U : naka off YM ko
M A R U : y?

keziah : aw
M A R U : na miss mo ko?
keziah : ganun?
M A R U : hehehe
M A R U : bakit po, maam?

keziah : ma, hatid na raw ba yung tuta sa Wednesday?
M A R U : dadalhin mo?
M A R U : sige
M A R U : malaki na?

keziah : di ko pa nakikita. Andun sa likod ng bahay, eh madilim.
Keziah : junjun ba talaga name nun, ma?

M A R U : ok sige
M A R U : ano pala gusto mo?
M A R U : ikaw na lang pumili

keziah : walang napili c kuya?
M A R U : wala naman
M A R U : ikaw na lang

Keziah : ikaw pala?
M A R U : gusto ko, junjun!
keziah :  ganun? junior?
keziah : wala na bang iba? Yung medyo sosyalin naman, para ayus.

M A R U : kaya nga ikaw na lang pumili
keziah : nah.
M A R U : sadat na lang
Keziah : sino yun?
M A R U : anwar sadat
M A R U : hehehe
M A R U : president nung una sa egypt
M A R U : mag isip ka na lang ulit

keziah :
M A R U : kremo gusto mo?
keziah : cream?
M A R U : total, cream naman color nya
M A R U : Kremo

keziah : dirty white.
M A R U : cream or dirty white…halos pareho lang yan
M A R U : krem
M A R U : Kremo or Krem
M A R U : para…kevin, keziah, kremo
M A R U : hahaha
M A R U : puro letter k

keziah :

Ayan, finally may pangalan na rin si BUNSO ko – si KREMO. hehehe!

Last week din, may nai-bluetooth sa akin na pic ang pamangkin kong si Tweetums … pic ni Kremo na bagong ligo kasama ang 2 kapatid nya.

Image030

Hindi ko alam kung saan diyan si Kremo kasi magkapareho sila ng tsura ng isa nyang kapatid. Pero duda ko siya yung nasa kanan. Paano ako nakakasiguro? Ewan ko. Siguro dahil sa  lukso ng dugo! Wahaha!

As of this writing, andito na sa pamamahay namin ang bunso ko at nag umpisa na ako kaninang umaga maglinis ng wiwi at popo nya. Waaaaa!

* * * *

Quote of the Day:
One reason a dog can be such a comfort when you’re feeling blue is that he doesn’t try to find out why.  ~Author Unknown

3 thoughts on “Welcome Home, Bunso!

  1. Alam mo makakuha ako ng idea sa’yo. Nag hahanap na kasi ng kapatid yung 4 year old boy ko e. Umiiyak pa kamo! Complete with luha at uhog ha. Tuta na lang kaya? mas mura pa maintenance. Mahal mag bayad ng CS ngayun e. Watcha think? 😀

  2. Nyahaha! Natawa naman ako. Pero trulili yan, dennis dear. Ang mahal manganak at magpalaki ng anak.

    Yes, try mo kumuha ng pet at baka tantanan ka ng unico hijo sa kauungot.

    Believe me, nag i-enjoy kaming tatlo ngayon sa bagong beybi namin sa bahay.

    Japanese spitz din ang kunin mo kasi napakalambing na aso, hindi maamoy at nature nya talaga yung malapit sa tao. Medyo mapili nga lang pagkain.

    Ask mo na rin muna si unico hijo mo kung gusto nya or dalhin mo muna sa pet shop. 😀 Iwento mo pag natuloy ka sa pagkuha ng alaga.

Leave a Reply to dennis Cancel reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.