May Araw Din Kayo

Hangga’t sa maaari, iniiwasan ko talaga ang mag post dito sa blog ko ng mga usaping-politikal lalo na pag politika o gobyerno ng Pilipinas. Masyadong masalimuot kasi eh. At tsaka pang komedi lang talaga ‘tong blog ko at hindi pang-kunsumisyon. Hehehe!

Pero it doesn’t mean na hindi ako interesado sa mga usaping-politika ng bansa natin ha? Siempre pa-intelektwal din ako kunyari. I keep myself abreast of what is the latest news, of the current events. Nagbabasa din ako ng mga online news, nood ng TV at nakikinig lagi sa  mga opinion ng mga media sa e-radio lalo na sa DZMM. However, I rather keep it myself kung ano man ang personal kong saloobin about politics.

Pero hindi ko palalagpasin at gusto kong i-share sa inyo ‘tong nabasa kong opinyon ni Conrado de Quiros kahapon sa Philippine Inquirer. I like this. Sobrang tawa ko dito kahit na may halong poot at panggigil ang nararamdaman ko sa pangulo natin. Hayss…nagsisikip lang kasi ang bra ko este dibdib ko pag iniisip ko ang kasalukuyang gobyerno natin.

Basahin nyo ang tinutukoy ko.

* * * *

May araw din kayo
By Conrado de Quiros
Philippine Daily Inquirer
First Posted 01:04:00 08/17/2009

Tatagalugin ko na nang makuha n’yo. Kahit na lingwaheng kanto lang ang alam kong Tagalog.

Tutal Buwan ng Wika naman ang Agosto. Baka sakali ’yung paboritong wika ni Balagtas ay makatulong sa pag-unawa n’yo dahil mukhang ’yung paboritong wika ni Shakespeare ay lampas sa IQ n’yo. Kung sa bagay, ang pinakamahirap gisingin ay ’yung nagtutulug-tulugan. Ang pinakamahirap padinggin ay ’yung nagbibingi-bingihan. Ang pinakamahirap paintindihin ay ’yung nagmamaangmaangan. Bueno, mahirap din paintindihin ’yung likas na tanga. Pero bahala na.

Sabi mo, Cerge Remonde, alangan naman pakanin ng hotdog ang amo mo. Bakit alangan? Hindi naman vegetarian ’yon. At public service nga ’yon, makakatulong dagdagan ng cholesterol at salitre ang dugong dumadaloy papuntang puso n’ya. Kung meron man s’yang dugo, kung meron man s’yang puso.

Bakit alangan? Malamang di ka nagbabasa ng balita, o di lang talaga nagbabasa, kung hindi ay nalaman mo ’yung ginawa ni Barack Obama at Joe Biden nitong nakaraang Mayo. Galing silang White House patungong Virginia nang magtakam sila pareho ng hamburger. Pina detour nila ang motorcade at tumuloy sa unang hamburgerang nakita nila. Ito ang Ray’s Hell Burger, isang maliit at independienteng hamburger joint.

Tumungo ang dalawa sa counter at sila mismo ang nag-order, hindi mga aides. Nagbayad sila ng cash na galing sa sariling bulsa at kagaya ng ibang customers ay pumila para sa turno nila.

Ito ay presidente at bise presidente ng pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo. Kung sa bagay, ’yung amo n’yo ay hindi naman talaga presidente. Di lang makita ang pagkakaiba ni Garci kay God kaya nasabing “God put me here.” Pekeng presidente, pekeng asal presidente.

Sabi mo, Anthony Golez, maliit lang ang P1 million dinner kumpara sa bilyon-bilyong pisong dinala ng amo mo sa bansa.

Ay kayo lang naman ang nagsasabing may inambag ang amo n’yo na bilyong-bilyong piso sa kaban ng bayan. Ni anino noon wala kaming nakita. Ang nakita lang namin ay yung bilyon-bilyong piso—o borjer, ayon nga sa inyong dating kakosa na si Benjamin Abalos—na inaswang ng amo n’yo sa kaban ng bayan. Executive privilege daw ang hindi n’ya sagutin ito. Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang di managot sa taumbayan? Kailan pa naging pribilehiyo ng isang opisyal ang magnakaw?

Maliit lang pala ang P1 million, ay bakit hindi n’yo na lang ibigay sa nagugutom? O doon sa mga sundalo sa Mindanao? Tama si Archbishop Oscar Cruz. Isipin n’yo kung gaano karaming botas man lang ang mabibili ng P1 million at karagdagang P750,000 na nilamon ng amo n’yo at mga taga bitbit ng kanyang maleta sa isa pang restawran sa New York.

Maliit lang pala ang P1 million (at P750,000), bakit hindi n’yo na lang ibigay doon sa pamilya ng mga sundalong namatay sa Mindanao? Magkano ’yung gusto n’yong ibigay sa bawat isa? P20,000? Sa halagang iyan 50 sundalo na ang maaabuluyan n’yo sa $20,000. Pasalu-saludo pa ’yang amo n’yo sa mga namatay na kala mo ay talagang may malasakit. Bumenta na ’yang dramang ’yan. At pasabi-sabi pa ng “Annihilate the Abus!” Di ba noon pa n’ya ’yan pinangako? Mahilig lang talagang mangako ’yang amo n’yo.

Bukod pa d’yan, saan ba nanggaling ’yung limpak-limpak na salapi ng mga kongresista na pinansisindi nila ng tabako? Di ba sa amin din? Tanong n’yo muna kung ayos lang na i-blowout namin ng wine at caviar ang amo n’yo habang kami ay nagdidildil ng asin—’yung magaspang na klase ha, ’di yung iodized. Ang tindi n’yo, mga p’re.

At ikaw naman, Romulo Macalintal, tapang ng apog mo. Maiisip mo tuloy na sundin na lang ang mungkahi ni Dick the Butcher sa “Henry VI” ni Shakespeare: “First thing we do, let’s kill all the lawyers.” Pa ethics-ethics ka pa, pasalamat ka di nasunog ang bibig mo sa pagbigkas ng katagang ’yon.

Marami mang sugapa rin sa aming mga taga media, di naman kasing sugapa n’yo. At di naman kami sineswelduhan ng taumbayan. Wala naman kaming problemang sumakay sa PAL at kailangan pang bumili ng P1.2 billion jet. Anong sabi n’yo, kailangan ng amo n’yo sa pabyahe-byahe? E sino naman ang may sabing magbabyahe s’ya? Ngayon pang paalis na s’ya—malinaw na ayaw n’yang umalis. Bakit hindi na lang s’ya bumili ng Matchbox na eroplano? Kasya naman s’ya ro’n.

Lalo kayong nagpupumiglas, lalo lang kayong lumulubog sa kumunoy. Di n’yo malulusutan ang bulilyasong ginawa n’yo. Para n’yo na ring inagaw ang isinusubong kanin ng isang batang nagugutom. Tama si Obama at Biden: Sa panahon ng recession, kung saan nakalugmok ang mga Amerikano sa hirap, dapat makiramay ang mga pinuno sa taumbayan, di nagpapakapariwara. Sa panahon ng kagutuman, na matagal nang kalagayan ng Pinoy, at lalo pang tumindi sa paghagupit ng Typhoon Gloria, dapat siguro uminom na lang kayo ng insecticide. Gawin n’yo ’yan at mapapawi kaagad ang kagutuman ng bayan.

Sa bandang huli, buti na rin lang at ginawa n’yo ’yung magpasasa sa P1 million dinner habang lupaypay ang bayan sa kagutuman—di lang sa kawalan ng pagkain kundi sa iba pang bagay—at pagdadalamhati sa yumaong Ina ng Bayan. Binigyan n’yo ng mukha ang katakawan. Katakawang walang kabusugan. Mukhang di nakita ng masa sa usaping NBN, mukhang di nakikita ng masa sa usaping SAL. Mukhang nakita lang ng masa dito sa ginawa n’yong ito. Sa pagpapabondat sa New York habang naghihinagpis ang bayan.

At buti na rin lang mayroon tayong sariling wika. Di sapat ang Inggles para iparamdam sa inyo ang suklam na nararamdaman namin sa inyo. Di sapat ang Inggles para ipakita sa inyo ang pagkamuhi na nararamdaman namin sa inyo. Di maarok ng Inggles ang lalim ng poot na nararamdaman namin sa inyo.

Isinusuka na kayo ng taumbayan, mahirap man sumuka ang gutom.

May araw din kayo.

Related Posts with Thumbnails

18 comments

  1. sheaNo Gravatar says:

    hmmm, oo may araw din sila..

    akala nila, madadala nila yan sa impyerno.. hmp..

    belat di natin sila bati..

    wow, akala ko, hindi nagtatagalog si Mr. Conrad de Quiros. woohoo

    KUDOS to you!

    sana naman makonsensya ang mga hindut..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Ateng Shea, eh kasi nga Buwan ng Wika nga daw. Hehehe! Kanina sa program ni Ted Failon sa DZMM may nag text at ang sabi…talagang ginupit daw nya ang article na ‘to ni de Quiros at ilalagay daw nya sa isang album.

    Minungkahi nga ni Ted Failon ‘tong article na to sa sambayanan na basahin para malaman talaga ng mga tao ang kakapalan ng lola mong nakatira sa palasyo. :D

    [Reply]

  2. antukenNo Gravatar says:

    gusto ko talagan ang sarcasm ni conrado de quiros. i don’t always agree with what he writes and i never really cared about politics. pero entertaining basahin ang article nyang yan. kaya ako, i don’t watch the news and i don’t read the papers. tama na ang stress sa work. kung idadagdag ko pa yung sa bayan natin, baka maubos ang buhok na kala mo’y kine-chemo. hehehe. mantakin mong yung ilang libong withholding tax na kinakaltas nila saken buwan-buwan eh dyan lang mapupunta di ba? sabi ko nga, i don’t really mind paying for my taxes, pero sana naman, like canada (na balita ko’y ubod din ng taas ng tax), napupunta sa mamamayan ang pera. hindi sa mga bulsa ng mga opisyales na yan. sows.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Oissst! Bago ang lahat…bakit wala ka ng update sa blog mo? Ha? Ha?! Siguro buntis ka na ano at tinatamad ka ng mag blog. :D

    Anyways, na miss na kita, chonapie!

    Balik tayo kay Mr. de Quiros, maldito at suplado talaga ang taong yan. Hehehe! Sabi ko nga, di ako masyado nagbabasa ng sinusulat nya kasi ang lalim ng mga english nya. Di ko maarok.

    Sana nga in tagalog na lang sya magsulat dahil mas damang-dama talaga ang punto nya. Mas natutumbok nya at mas malakas ang hagupit!

    Tama ka, kawawa talaga yung mga kagaya mong taxpayers na pwersadong magbayad talaga. Pagod na talaga ang mga pinoy sa pamumuno ng LOla mo.

    May pag-asa pa kaya tayo?

    [Reply]

    antukenNo Gravatar Reply:

    how i wish buntis ang rason. work sexy mamary. work. no time to blog. puro bisita na nga lang nagagawa ko e. mag-update, wala na. haay. mishu din!
    .-= antuken´s last blog ..10 things i miss right now… =-.

    [Reply]

  3. ThelNo Gravatar says:

    Thank you very much kay Mr. Quiros for speaking for millions of pinoys. Bless his heart!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hi Thel, ayus na ayos ang birada ni Mr. de Quiros di ba? Sobrang natawa ako dun sa sinabi nyang bumili na lang ng eroplanong Matchbox. Hahaha!
    Kagabi narinig ko si Mikey Arroyo sa radio na pinagtatanggol ang ina nya dun sa magarbong dinner na chuvachuchu.. na kesyo alangan naman daw pakainin sa Mcdonalds ang isang presidente. Halller! ano naman masama sa mcdo? Tama ulit si Mr. de Quiros…si Obama nga kumakain ng borjer sa hindi kilalang borjer joint…eh ano naman kaibahan ng nanay nya? Sauceeee!

    Kunsabagay, naiiba ang mga laman-loob ng nanay nya. Wala na nga yatang puso rin yun. :D

    [Reply]

  4. RelNo Gravatar says:

    fanatic ako kay Conrad… i like the way he writes though minsan di rin ako agree sa mga sinusulat niya!… may prose siya sa pagsulat ng Englisht…and sobrang natuwa ako at kakaiba rin pala ang write up niya sa Tagalog… galing galing… :-)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Inaamin ko paminsan-minsan ko lang basahin column nya kasi NOSEBLEED kasi lagi eh. Hindi ko masyado ma-feel ang sinasabi nya dahil kelangan ko pa namnamin kung ano ang meaning ng mga words na ginagamit nya. hehehe! But i know he is good talaga.
    At tama ka, nagulat din ako at nagtagalog bigla ang lolo mo. At talaga naman sapul di ba? Dapat na i-clap clap si Mr. De Quiros.

    [Reply]

  5. PidroNo Gravatar says:

    Napapunta tuloy ako dito para magkomento para mailabas ang damdamin kong umaalab na gaya ni G. de Quiros.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Bah! Hmmmn…alam mo parang hindi ko ma-imagine na marunong din pala umalab ang damdamin mo, kapatid. :D Napaka-cool mo kasi eh.

    Kunsabagay, kung may malasakit ka rin talaga sa bayan…hindi ka pwedeng magsawalang-kibo na lang sa mga panloloko ng mga opisyal natin.

    [Reply]

  6. popoyNo Gravatar says:

    hindi ko alam pero ramdam ko ang galit ni conrado de quiros at OO napaka infectious nito at nahawa ako sa galit. napakakapal nga ng mukha, kung anong liit nyang unanong nyan tsaka namang higante/laki ng APOG. hindi na sya nahiya sa mamamayan ng Pilipinas. siguro nung nalaman ni Obama yang issue na yan, malamang nagsisisi sya kung bakit pa nya inimbitahan ang mga DEMONYONG yan na nakaupo sa PILIPINAS. grrrrrr

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hahahaha! Ramdam kita, popoyski! Talagang nakakapikon na ang mga pangyayari.

    Marami talaga ang nagkagusto sa article na ‘to ni G. de Quiros. Sabi nga ni Ted Failon…kung pwede nga lang ipa-kwadro nyo ang artikol na ‘to. Nyaaha!

    [Reply]

  7. EmjayNo Gravatar says:

    $20,000 on fine wine and caviar
    $15,000 on lobsters and steaks
    P114,000 on air fare
    P23,000 per room each night on hotel rooms
    ..isipin na lang natin kung ilang pamilya na sana ang napakain ng ganito kalaking halaga..
    ..GLORIA MACAPAGAL – ARROYO, wala kang puso..
    ..HOW DARE YOU..

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    at nagpa-cute lang naman sya dun sa white house kay obama. di man lang inabot ng isang oras ang huntahan nila.

    sana nag YM na lang sila ni Obama .. nag chat! nakatipid pa sana sila. :D

    [Reply]

  8. GossipsNo Gravatar says:

    Hahaha.. Gago talaga mga nasa gobyerno…
    .-= Gossips´s last blog ..Les Paul dies at the age of 94 =-.

    [Reply]

  9. IrejNo Gravatar says:

    Paborito kong banatan ang gobyerno sa blogsite ko dahil sawang sawa na ako sa katarantaduhan ng aswang na pandak sa malakanyang.. i hate politics but i love to criticize.
    Writing of article against arroyo is my only way to show that i really hate her regime.
    Sukang-suka na ako sa pag mumukha ng Aswang na yan.

    Napadalaw lang sa site mo… ganda! dalaw ulit ako next time.

    Imbitado ka rin sa site ko, may libreng pagkain dun.

    [Reply]

  10. IrejNo Gravatar says:

    Siyanga pala i add na lang kita sa blogroll ko para madaling hanapin.
    .-= Irej´s last blog ..Plaza Miranda Bombing Anniversary =-.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge