Ang Salarin

Ganda ng gising ko kaninang umaga. Maganda ang panahon. Duda ko, nauna pa yata ako nagising kesa kay Papa Jesas sa sobrang aga. Hehehe! Mga 4am ako dumilat kanina at ang unang sinilip ko bago nagbanyo ay ang katabi kong netbook… tsinek ko kung tapos na ang torrent download ko ng movie na “He’s Just Not That Into You”. Hmmmn, tapos na. Yey! May panonoorin na naman ako mamaya.

Mas lalong pinaganda ang morning ko ng almusal kong ‘to:

Daing Na Bangus

Daing na bangus, pritong talong at kamatis.

Wala sa kodak ang kaning-lamig na sinangag with sandamakmak na bawang.

Ayos na ayos na sana ang umaga ko nang biglang namataan ko ang almost 2-years old kong pink flip-flop.


pink flipflop1

“@#$%^&*!!”<—— yan agad ang nasambit ko!  Waaaaaa! Na unsa na kini?!  Gi-atay! Pigtas ang tsinelas ko!

flipflop

Inisip ko talaga kung paano nangyari ‘to. Nagtataka ako kung bakit napigtas agad eh hindi ko naman masyado ginagamit na panglakad sa labas ang tsinelas na itu. Suot-suot ko lang ‘to na pambahay.

Hmmnnn…

Pagkatapos ng isang masusing imbestigasyon gamit ang makabagong siyensya (exags!), mga pagtanong-tanong sa mga nakasaksi, at sa hindi makapagsinungaling na ebidensya, natunton ko rin ang SALARIN!

Eto ang culprit!

kremo

Si Kremo!

Hmp! Nanghinayang man ako dahil ang hirap maghanap ng size ng tsinelas na magkakasya sa paa ko, ay hindi ko makuhang magalit sa bunso ko sa pangngatngat nya ng tsinelas ko. Nanggigil lang naman ako. :D

****

Quote of the day:
We are born charming, fresh and spontaneous and must be civilized before we are fit to participate in society. – Judith Martin

Related Posts with Thumbnails

4 comments

  1. a.r.d.y.e.y.No Gravatar says:

    wow daing. well-cooked. itira mo sakin kahit yung tiyan lang ah. aaah saka, pahingi na rin ng sukang paombong at bagoong. coke na malamig na rin please. =)

    tungkol naman sa tsinelas mo, malinis ang pagkakayari ni kremo. walang ngatngat ang swelas. pinigtas lang talaga yung strap. hehehe.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Nyahaha! Talagang malinis ang ginawang krimen. Bago napigtas…ilang beses ko na nahuli na pinagti tripan ang sinelas ko. Palagay ko bumaon yung ngipin nya dun sa strap talaga kaya naputol. :(

    [Reply]

  2. We are born charming, fresh and spontaneous and must be civilized before we are fit to participate in society. – Judith Martin

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Nice one. :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge