Tilapia Strips

Tilapia Strips…hindi po ‘to gawa sa karne ng aso. Yak! Hahaha!

Andito ang pic ng aso ko dahil namataan ko ang napakasimpleng recipe na ‘to ng Tilapia  sa www.yummy.ph habang nagpapakamot ng tiyan si Kremo sa isang kamay ko.

japanese spitz

Tiempo naman na may deboned tilapia pa ako sa freezer kaya sinubukan ko. Pinaghihiwa ko na lang sya into strips, yun katamtaman lang ang hiwa kasi baka naman madurog pag sobrang nipis ng strips.

Dun sa recipe, eto ang nakalagay:

400 grams tilapia, deboned
1 pinch salt
1 pinch ground pepper
3 tablespoons AA powder (cornstarch works too)
2 to 3 cups vegetable oil

1. Fillet and pat dry tilapia. Slice into thin strips
2. Season with salt and pepper, then coat with AA powder.
3. Heat vegetable oil. When it’s hot enough for frying, carefully drop in the tilapia fillet strips one by one to prevent them from sticking.
4. Fry until golden brown and crispy.Serve with soy vinaigrette on the side.

tilapia fillet

Dun sa 3 tablespoons na AA powder o kaya cornstarch, imbes na yun ang ginamit ko, all-purpose breading mix ang ipinang-coat ko sa isda. Kumpleto na sa seasoning ang all-purpose breading mix kaya hindi na  ako naglagay pa ng salt and pepper.

Susme, ang dami ko pang chu-chu at ek-ek! Hindi nyo ba napansin eh simpleng pritong tilapia lang naman pala ang gagawin ko. Sows!

tilapia strips

Tilapia Strips

Pero impernes, masarap pala ang tilipia na binudburan ng breading mix.

Very ideal na pangpulutan ‘to, mga pre! 😀 Long weekend pa naman ngayon.

4 thoughts on “Tilapia Strips

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *