Kasagsagan na ng bagyong Ondoy noong sabado, nag text na ang brother kong si Evan na hindi nya kami masusundo ng sister ko sa airport na luluwas ng Manila ng Sunday. He instructed us na magpasundo na lang muna kami kay Anthony (a family friend) at sa Mandaluyong na rin muna tumuloy eh kasi nga binabaha sila.
To cut the story shorter, isa ang kapatid ko at pamilya nya sa naging biktima ni Ondoy.
Ayoko na mag detalye pa kung anong klaseng panggagahasa ang ginawa ni Ondoy sa NCR dahil siguro ay panis na ang version ng wento ko. Marami na ang nauna sa akin na nag-blog tungkol sa katatapos lang na kalamidad. Ang masasabi ko lang ay, grabe talaga! Susme, wala man lang karoma-romansa ang ginawang panghahalay ng hindot na si Ondoy at basta na lang na iniwang luray-luray ang itsura ng mga biktima nya. Kakadurog ng puso, mga ateng!
Sa text sa amin ng bro ko noong sabado….lubog na ang car nila, lumutang na ref nila at washing machine. Buti na lang at may second floor ang bahay nila kaya naman kahit papano eh naligtas sila.
From 1pm to 5:30 noong Sunday ay nakapwesto na kami ng sister ko sa may Rosario dahil alalang-alala na rin kami sa pamilya ni Evan. Ang tagal ng paghihintay namin kaya habang nag-aabang kami sa kapatid namin na lalangoy na lang palabas ng subdivision nila…ay kumuha na rin ako ng mga kodak ko sa mga pangyayari.
Mula Edsa-Ortigas hanggang One Oasis lang ang walang baha sa daanan kung pupunta kami sa bahay ni Evan sa Cainta.
Stranded kami dahil eto ang tanawin sa pupuntahan namin.
Hindi pinapayagan ang mga tao na lumusong pa sa baha. Mga rescuers lang.
The Exodus of the Survivors
More kodaks.
Maraming laman na film ang camera ko nun kaya panay kuha ko. Lols.
O ha!
At nasan naman daw ako noon?
Dito pansamantalang naka pwesto si Mamaru. Sa ibabaw ng hood ng naka-park na 6×6 ng sundalo.
Eto ang mga nasa tabi namin.
Usyosero.
Mga tatanga-tangang pulis na nakatungtong sa inutil nilang tangke.
Pero hindi ko naman nilalahat. Meron din mga nagsi-kilos.
Pero pramis, mas marami sa kanila pulis ang nakatanga lang.
Dumalaw din ang isa sa mga least favorite kong personalidad sa kasalukuyan.
Parang naki-usyoso lang din naman sya dun.LOL!
Gabi na ng makabalik kami sa tinutuluyan namin sa Mandaluyong. Plakda ako sa pagod. Para na rin akong ginahasa noon ni Ondoy. Kinabukasan ng Lunes, nagka stiffed neck ako at sumasakit ulo ko at buong katawan.





