I Hate You, Ondoy!

Kasagsagan na ng bagyong Ondoy noong sabado, nag text na ang brother kong si Evan na hindi nya kami masusundo ng sister ko sa airport na luluwas ng Manila ng Sunday. He instructed us na magpasundo na lang muna kami kay Anthony (a family friend) at sa Mandaluyong na rin muna tumuloy eh kasi nga binabaha sila.

To cut the story shorter, isa ang kapatid ko at pamilya nya sa naging biktima ni Ondoy.

Ayoko na mag detalye pa kung anong klaseng panggagahasa ang ginawa ni Ondoy sa NCR dahil siguro ay panis na ang version ng wento ko. Marami na ang nauna sa akin na nag-blog tungkol sa katatapos lang na kalamidad. Ang masasabi ko lang ay, grabe talaga! Susme, wala man lang karoma-romansa ang ginawang panghahalay ng hindot na si Ondoy at basta na lang na iniwang luray-luray ang itsura ng mga biktima nya. Kakadurog ng puso, mga ateng!

Sa text sa amin ng bro ko noong sabado….lubog na ang car nila, lumutang na ref nila at washing machine. Buti na lang at may second floor ang bahay nila kaya naman kahit papano eh naligtas sila.

From 1pm to 5:30 noong Sunday ay nakapwesto na kami ng sister ko sa may Rosario dahil alalang-alala na rin kami sa pamilya ni Evan. Ang tagal ng paghihintay namin kaya habang nag-aabang kami sa kapatid namin na lalangoy na  lang palabas ng subdivision nila…ay kumuha na rin ako ng mga kodak ko sa mga pangyayari.

DSCF4503

Mula Edsa-Ortigas hanggang One Oasis lang ang walang baha sa daanan kung pupunta kami sa bahay ni Evan sa Cainta.

DSCF4484

Stranded kami dahil eto ang tanawin sa pupuntahan namin.

DSCF4483

Hindi pinapayagan ang mga tao na lumusong pa sa baha. Mga rescuers lang.

DSCF4484

The Exodus of the Survivors

DSCF4494

More kodaks.

DSCF4485

Maraming laman na film ang camera ko nun kaya panay kuha ko. Lols.

DSCF4499

O ha!

DSCF4490

At nasan naman daw ako noon?

Dito pansamantalang naka pwesto si Mamaru. Sa ibabaw ng hood ng naka-park na 6×6 ng sundalo.

IMG_4913

Eto ang mga nasa tabi namin.

DSCF4496

Usyosero.

DSCF4488

Mga tatanga-tangang pulis na nakatungtong sa inutil nilang tangke.

DSCF4479

Pero hindi ko naman nilalahat. Meron din mga nagsi-kilos.

Pero pramis, mas marami sa kanila pulis ang nakatanga lang.

DSCF4493

Dumalaw din ang isa sa mga least favorite kong personalidad sa kasalukuyan.

IMG_4925

Parang naki-usyoso lang din naman sya dun.LOL!

Gabi na ng makabalik kami sa tinutuluyan namin sa Mandaluyong. Plakda ako sa pagod. Para na rin akong ginahasa noon ni Ondoy. Kinabukasan ng Lunes, nagka stiffed neck ako at sumasakit ulo ko at buong katawan.

Related Posts with Thumbnails

23 comments

  1. Klet MakuletNo Gravatar says:

    nagpakyut lang yang bulinggit na yan. masabi lang na nandun siya.
    .-= Klet Makulet´s last blog ..Di pinag-isipang mga salita =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Oo nga eh. Pampasikip lang sya dun nung mga panahon na yun.

    [Reply]

  2. akrebleyNo Gravatar says:

    Nag swimming ka na lang sana ala Dyesebel papunta sa Cainta. Hehehe.

    Hahaha! Nakiusyoso talaga sila pati si Goin Bulilit. Malamang hindi siya makalusong dahil paglusong niya hanggang ulo niya na agad ang tubig baha. Hahaha!
    .-= akrebley´s last blog ..Kapareho ng Interes =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Gusto ko sana mag swimming na lang. Kaso hindi ko dala yung two-piece swimsuit ko. lols.

    [Reply]

    salemNo Gravatar Reply:

    u in two piece. now dat would be something.. we’ll probably see the entire rescue operations get halted by an inundation of sex appeal.. seriously speaking… Ondoy was one for the ages.. it brought out the best and also the worst from all of us.. it was quite an experience to see so many people suffering and being able to help them albeit temporarily. Why i cant understand is why people, traders in particular had the temerity to hike their prices in the middle of the calamity.. instant noodles lang… tatlo beses nagtaas ng presyo sa loob ng isang araw… Ma karma sana mga mapagsamantala.

    [Reply]

  3. defpotecNo Gravatar says:

    baka sinubukan ni PGMA kung totoong hanggang dibdib ang baha.. pero nung lumusong sya.. ang sigaw nya….

    LAGPAS TAO!! LAGPAS TAO!!!! TAMA NA!!!
    .-= defpotec´s last blog ..discount? =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    tado ka. lakas ng tawa ko a. kasig-height ko pa naman si GMA.

    [Reply]

  4. CocoyNo Gravatar says:

    Grabe naman pala itong dulot na pinsala ni Ondoy.
    Mabuti na lang at nakaligtas kayo.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    As in! Pero thanks God nga at ligtas naman lahat.

    [Reply]

  5. DennisNo Gravatar says:

    Grabe talaga.
    .-= Dennis´s last blog ..Happy Birthday: The Revenge of Nature =-.

    [Reply]

  6. b@kekangNo Gravatar says:

    mamaru..cnu ngkodak sau?…wawa nmn mga tao lubog p sa baha..me pepeng n nmn darating hayz

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    sister ko ang kumuha ng kodad sa akin. kasama ko sya na nag abang dun.

    [Reply]

  7. BoyLibogNo Gravatar says:

    dont hate ondoy. its us who should be blamed and get angry at.. its our fucked up attitude and behaviour towards nature why these things happened to us.. sama mo na rin ang ating put@*&^! gobyerno..

    [Reply]

  8. sheaNo Gravatar says:

    mamaru… akala ko isa ka na sa nirescue nila eh..

    awsus… least fave ko din si gma.. toinks siya. buti ndi siya lumusong sa bha kasi lagpas tao na sa kanya un.. hehhee

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Shea, nasa mindanao ako nung baha. Pero lumuwas nga kami ng Sunday pa-manila at kahindik-hindik nga ang nakita namin sa nangyari sa lugar kung saan nakatira ang bro namin.

    [Reply]

  9. detoxdietNo Gravatar says:

    it is very unfortunate for our Filipino brothers to be hit by typhoon Ondoy. i have seen the massive flooding and the flood victims on TV and it is really horrible.

    [Reply]

    defpotecNo Gravatar Reply:

    (hindi sumagot si moo dahil inglish.. dugo ang ilong)

    translate: forgiveness.. my man maru couldnt holler back coz its in english… monthly period!!
    .-= defpotec´s last blog ..maligaya… =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    NYahahaha! Siempre dedma. Tagalog kaya blog ko. Lols.

    [Reply]

  10. BoyongNo Gravatar says:

    tama lang na mangyari sa ating mga pinoy ang pagdaan ni ondoy.. wala kasi tayong disiplina at kung harbatin natin ang ating kalikasan ay ganun na lang. we are all fucked up pagdating sa maraming bagay na tayo na rin ang dahilan kung bakit kaya tama lang na magdusa tayo..

    [Reply]

  11. antukenNo Gravatar says:

    so bale nasa manila ka? until when?? sobrang natawa ako sa comment ni def. hahaha.
    .-= antuken´s last blog ..i hate you jackson! =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    yep chonapie…andito ako sa manila ngayon. baka bago mag weekend uwi na rin kami. nagbo-book pa ng flight.

    sobrang lakas nga rin tawa ko sa comment ni Moo.

    [Reply]

  12. CasseyNo Gravatar says:

    my friends in Philippines were also victimized by the flooding caused by Typhoon Ondoy. i just hope that you guys could recover soon from this natural disaster. `

    [Reply]

  13. Sobra talaga si Ondoy… Same time and day na stranded ka sa tulay eh nasa loob ako ng condominium na kuha sa mga pictures mo… at front pix pa ang Project namin.. haist… Pwede po ba ma edit at tanggalin ang name ng project namin…

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge