Bagong Taon, Sana Bagong Kwarto

Isa sa mga ayaw ko alalahanin pa na nangyari sa akin noon, yun ay ang experience ko sa pagpapatayo ng bahay 11 years ago. Parang bangungot sa akin yun eh. Ayoko na i-detalye pa pero parang binasta-basta lang kasi ang paggawa ng bahay ko ng mga taong pinagkatiwalaan ko noon. Hindi inayos.

Enways, after 11 years, ngayon lang ako magpapalagay ng floor tiles sa bahay ko, sa bedroom. Siempre excited ako. Sabi ko nga, sa wakas ay mapapaganda ko na rin ang kwarto ko. Ready na ang materials. Ang akala ko talaga ay matatapos ang bedroom improvement na ‘to in 1 or 2 days. Napapa “yehey” na nga ako sa isip ko.

Oh noes! Mali ako! Uumpisahan na sana kahapon ang trabaho nung kausap kong installer ng floor tiles nang mapansin namin na magkakaroon lang pala ako ng malaking problema in the future pag itinuloy namin ang paglalagay ng floor tiles. Magiging sayang lang daw ang gastos ko ngayon sa floor tiles pag nagpatuloy kami.

Ang dahilan? Eto ang isa.

Ipinakita ko kasi sa mason ang pag crack ng mga walls sa may parteng kwarto namin. Isa lang to sa mga bitak-bitak na nangyari noon.

DSCF5026

Ang buong akala ko ay epekto lang ‘to ng mga paminsan-minsan na paglindol noon.

Oh noooes uli! Mali daw ako!

Ang sabi ng mason na kinontrata ko ngayon, eto pa daw ang dahilan nun…

DSCF5030

Ang pagbaba ng level ng flooring ko! Lumulubog!

Pakingsyet!

Pag kakatokin mo nga naman ang sementadong flooring ko, sa tunog pa lang, mabibistong very hallow ang ilalim. Ang sabi pa, hindi nga daw compacked ang lupa sa parteng ilalim ng kwarto namin. Sa madaling salita, mali at minadali ng mga hinayupak kong workers noon ang pag semento ng flooring ko. Hayssss! Dios mio perdon!

Pag itutuloy ko ang pagpapa-install ng floor tiles ngayon at babalewalain ang paglubog ng sahig ko…magkakaroon lang ako daw ako ng problema sa darating na panahon at malamang magkasira-sira lang ang mga tiles ko.

Anofangavah ang dapat kong gawin kundi ang ipaulit muna ang trabaho sa flooring bago lagyan ng tiles. Haysss…nag uumpisa na sumakit ulo ko. Lol!

DSCF5031

Pinabaklas ko ang dating semento.

Nabisto ko pa mula sa mason ko ngayon na hilaw daw ang mixture ng sementong ginamit ng mga trabahador noon. Niloko lang talaga ako. Pucha talaga, kaya pala nagtutuklap-tuklap ang smooth finishing ng sahig ko noon. Grrrrr!

DSCF5037

Hopefully, sa ngayon ay maiwawasto na ang pagtrabaho ng flooring namin para malagyan na ng tiles.

Pansamantalang magulo ayos ng “mansion” namin ngayon. Nasa labas ang mga gamit at bed namin ni Keziah at sa sala muna kami natutulog kasama ang malungkot na itsura ng Xmas tree namin.

DSCF5040

Hays….SANA ay hindi kami abutin ng Pasko dito sa sala at sana bago mag New Year eh bagong kwarto din kami. 🙂

Quote of the day:

“My mother said it was simple to keep a man, you must be a maid in the living room, a cook in the kitchen and a whore in the bedroom. I said I’d hire the other two and take care of the bedroom bit” Jerry Hall

* * * * *

One thought on “Bagong Taon, Sana Bagong Kwarto

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *