Ponkan Na Ponkan

After 48 years (exags! aktwali 1 week lang po), sa wakas ay natapos din ang renovation ng kwarto ko. O di vah, ponkan na ponkan ang kulay ng bedroom ko! Nasa Mindanao man ako, eh parang hindi na rin ako nalalayo sa paboritong lugar ng karamihan na malilibog sa Maynila, ang Sogo Motel. Haha!

Ops, mamatay na ang sinungaling pero hindi pa ako nakakapasok ng Sogo motel.  Natawa lang ako sa sinabi ng mason na nagkumpuni ng kwarto ko…kakulay nga daw ng Sogo motel ang kwarto ko! Hello sa mga nakapasok na ng Sogo motel…may katotohanan ba?

Nasabi ko nga kay KUPS kahapon na kakulay ng isang motel ang bedroom ko. Hmmmn….parang trip tuloy ni KUPS na palagyan ng malaking salamin ang ceiling ko. Lol!

DSCF5168

Ako lang ang nagtiyagang nagpintura ng buong room. Nagtitipid kasi ako sa labor cost.

DSCF5171

Andun yung nag-iinit pa ulo ko dahil sa mali-mali kong paraan ng pagpintura. Pati si Kups napag-susungitan ko tuloy.

DSCF5169

Nways, maya-maya lang ay ready for occupancy na ang bedroom ko. Pwede na rin binyagan! Yey!

* * * * *

Quote of the day:
In heaven all the interesting people are missing. – Friedrich Nietzsche

One thought on “Ponkan Na Ponkan

  1. Pingback: MARUISM » Blog Archive » Our Home – Bedroom

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *