Wish Ko Na Pamasko

screenshot_77
Maysakit si Kups ko mula pa nung Martes and as of this writing, andun pa rin sya at hindi pa pinapalabas ng ospital sa London. His daughter Chantelle sent me a text na isinugod nga daw si Kups ko sa ospital due to minor heart problem.

Hindi ako relihiyosang babae pero hindi ko naman sinasabing menos o wala akong paniniwala sa Diyos. Araw-araw akong nagdadasal sa Diyos ko. Constant ang communication namin at kulang ang isang blog entry lang kung isasalaysay ko pa kung gaano katindi ang paniniwala at pananampalataya ko kay BRO kahit na isa akong lukaret.

Oo, aaminin ko bihirang-bihira ako kung magsimba. Kahit bertdey ko o Pasko man, hindi ako nagsisimba. Katoliko ako pero I can’t remember when was the last time I attended a holy mass.

Anyways, kanina I found myself inside the cathedral. In bended knees with clasped hands, I prayed so hard na sana gumaling na si Kups. Request ko, sana pamasko na Niya sa akin ang lubusang paggaling ng lalaking sobra-sobrang nagmamahal sa akin ngayon.

Emotional ako when I pray…bihirang hindi tumulo ang luha ko pag nagdadasal ako. Kaya wala akong pakialam kung nagpapang-abot ang sipon ko at luha kanina sa loob ng simbahan.

I dunno kung gaano ako katagal dun sa loob kanina. Basta iniwan at ipinaubaya ko na ang lahat-lahat sa Kanya. “Thy will be done”, wika nga sa english.

Lumabas ako ng simbahan na bitbit ang paniniwalang hindi Niya ako bibiguin sa hiling ko ngayong Pasko.