SMS Jokes 30

Kapag walang bolpen, walang notes.
Kapag walang notes, walang pag-aaral.
Kapag walang pag-aaral, walang diploma.
Kapag walang diploma, walang  work.
Kapag walang work, walang pera.
Kapag walang pera, walang pagkain.
Kapag walang pagkain, magugutom.
Kapag nagutom, papayat.
Kapag pumayat, papanget.
Kapag pumangit, walang  gf/bf.
Kapag walang gf/bf, walang asawa.
Kapag walang asawa, walang  anak.
Kapag walang anak, madedepress.
Kapag nadepress,  magkakasakit.
Kapag nagkasakit, mamamatay ka.
Kapag namatay ka, wala ka na.
Kaya, ingatan mo yang ballpen mo!

_______

Bakit walang kulay ang utot?  Kasi, kung meron, mawawala yung thrill
nang paghahanap kung sino ang umutot.

Continue reading

Dahil Sa Praning Ako

 

Wala akong mai-chika na masaya tungkol sa naging Pasko ko noong Friday dahil isa na yata sa pinakamalungkot na Krismas sa buhay ko ang Pasko 2009. Akala ko yung mga naging Pasko ko sa Dubai 13 years ago ang pinakamalungkot kong Pasko…hindi pa pala.

Regrets

Three days before Xmas, hindi ko na makuhang ngumiti pa. Mula ng mabalitaan ko na naospital si Kups, ewan ko pero lagi na lang akong balisa. Hindi ko nakasanayan ang mag-alala sa totoo lang, kaya OA man pakinggan, nahirapan ako sa mga nangyari. Naging parusa sa akin ang paghihintay kung ano na ang mga update sa kanya.

Oo, nakaka-praning. At kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko dahil wala akong ibang mapagtanungan ng tungkol sa latest na condition nya. Now ko lang ulit na-experience ang mawala sa sarili, yung tipong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nung matagpuan ko ulit ang sarili ko eh nakatitig lang pala ako sa kawalan. LOL.

Continue reading