Wala akong mai-chika na masaya tungkol sa naging Pasko ko noong Friday dahil isa na yata sa pinakamalungkot na Krismas sa buhay ko ang Pasko 2009. Akala ko yung mga naging Pasko ko sa Dubai 13 years ago ang pinakamalungkot kong Pasko…hindi pa pala.
Three days before Xmas, hindi ko na makuhang ngumiti pa. Mula ng mabalitaan ko na naospital si Kups, ewan ko pero lagi na lang akong balisa. Hindi ko nakasanayan ang mag-alala sa totoo lang, kaya OA man pakinggan, nahirapan ako sa mga nangyari. Naging parusa sa akin ang paghihintay kung ano na ang mga update sa kanya.
Oo, nakaka-praning. At kung anu-ano na ang pumasok sa isipan ko dahil wala akong ibang mapagtanungan ng tungkol sa latest na condition nya. Now ko lang ulit na-experience ang mawala sa sarili, yung tipong humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan at nung matagpuan ko ulit ang sarili ko eh nakatitig lang pala ako sa kawalan. LOL.
Dumagdag pa ang ilang araw na now-you-see-now-you-don’t ang blog ko sa cyberspace dahil nagka-problema sa server. Buti na lang at hindi ako pinabayaan ng webhost at naibalik din ang blog ko sa ere noong Pasko.
Ang gulo-gulo ng isip ko since last week. Kahit sanay ako mag-isa lang dito sa bahay pero this past few days…kakaiba talaga. Hindi ko alam kung dala o epekto na rin ng malamig na Pasko pero I can feel that there’s only a thin line …and that anytime I’m gonna lose my mind.
Wala ang mga anak ko. Keziah spent Christmas in Zamboanga with cousins. Kevin, most of the time ay nasa soccer field dahil may tournament sila ng Frisbee.
Sinikap ko i-divert ang isipan ko. Nagpaka-busy ako dito sa bahay…linis ako ng linis, ayos ng ayos ng mga gamit para lang may pagka-abalahan. Halos baliktarin ko na ang buong bahay para itaktak at ipagpag! Andun yung may isang araw yata akong wala ng ginawa kundi ang maglaba ng maglaba hanggang sa sumakit ang buong katawan ko.
At eto pa, alam ko kapwa-babae ko lang ang makaka-relate neto but I can feel that I am PMS-ing already. Parang rollercoaster na ang mga nararamdaman ko. Anger, fatigue, tension at depression…lahat na yata ng PMS symptoms ay nasa akin na. I am not making excuses, I love my being a woman, pero sino ang may sabi na madali ang maging babae?
Then here comes one stupid act that I have done yesterday which for sure I will regret for the next days…I just put my relationship with Kups in jeopardy.
.
.
At hindi nga ako nagkamali.
* * * * *
| “We must all suffer from one of two pains: the pain of discipline or the pain of regret. The difference is discipline weighs ounces while regret weighs tons.” | |
* * * * *




