Konting Ayos at Linis

Today, I gave my phonebook a major overhaul and discarded the names of people who take me for granted and also those names na sa palagay ko ay nakipag-meeting na yata kay San Pedro dun sa heaven. Meaning, mga dead phone numbers na.

Tsinek ko na rin ang mga nasa blogroll ko at pinagde-delete ko na rin sa list yung mga dead link. Ang dami ng mga bloggers na pinabayaan na ng tuluyan ang blog nila…yung iba 2008 pa yata ang huling blog post. Yung iba naman amoy-agiw na ang site nila. Nasaan na kaya sila?

Dati ang saya-saya namin sa WordPress, sa mga bloghopping namin lalo na noong nauso ang TAG o MEME na mga pa-ek ek.

Naglinis na rin ako ng internal hard disk. Tsinugi ko na ang downloaded programs na wala naman pakinabang. Nag-defrag na rin ako ng HD. Pinuno ang Recycle Bin ko ng mga unnecessary files and eventually emptied the trash.

Pinag de-delete ko na rin ang Adobe, Camfrog (Deym u, Kamprag! Never again!) at iba pang mga kaeklatan na pampasikip lang sa baul ng netbook ko at mga pampagulo sa buhay ko.

Mga konting pagbabago pa lang ang mga nabanggit ko. Tiempo at bagong taon na rin kaya kelangan ng paglilinis at pag-aayos ng mga bagay-bagay. Hindi man malakihan ‘tong ginawa kong mga pagbabago, heck!, what matters most is that I am slowly transforming and changing…hopefully for a better me.

7 thoughts on “Konting Ayos at Linis

  1. i hope i’m not one of those you deleted! waah. inaagiw na rin ang blog ko. happy new year sexy mamaru!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Nah! Hindi ka na mabubura sa puso ko, chonapie! Iba na ang may pinagsamahan di ba? Lagi kang may hagod sa puso ko. Happy New Year!

    [Reply]

  2. Happy New Year Maru!!!!!!!!!! 😀 Change is always good! and besides Change is the only thing permanent in our world. (bow)
    .-= Callcenterguy´s last blog ..Welcome 2010! =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Dennis, sabi nga ng lolo mong si Winston Churchill…”There is nothing wrong with change, if it is in the right direction.” Amen?

    [Reply]

    CallcenterguyNo Gravatar Reply:

    Amen!
    .-= Callcenterguy´s last blog ..Welcome 2010! =-.

    [Reply]

  3. happy new year! salamat at hindi ako deleted sa blogroll mo. God bless.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Lex dear, iilan lang kayong mga poging blogger na kaibigan ko…kahangalan kung aalisin kita. Over my dead and mutilated body! Hinding-hindi kita makakalimutan. Happy New Year, lex!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *