Usapang-Bra

Dito sa Pilipinas, kaming mga babae ay hindi basta-basta nakakalabas ng bahay ng hindi nagsusuot ng bra pwera na lang siguro kung gusto namin magpa-manyak sa mga lalaking makakaharap o makakasalubong sa daan.

* pic courtesy of Google.

Importante sa mga pinay ang bra kaya naman yung iba ay hindi na yata mabubuhay ng walang bra. May ibang girls na kahit sa pagtulog … ay naka-bra pa rin.

May nagsabi rin sa akin na parang secured na secured daw kasi ang feeling nila pag naka-bra kahit tulog. Wateber!

Naalala ko tuloy dati ang chorva ng isang kaibigan ko noong nasusunog yung apartment nila, “di bale ng malitson wag lang malitson ng walang bra!”. O di ba!

Ano nga ba ang BRA? Howel, para sa karamihan, ang BRA ay dignidad. Para sa mga walanjo(ga) o flat-chested, ang bra ay pampa-sexy lalo na pag wala namang ba-bra-han. Para sa mga boobsie, ang bra ay pangtakip sa higanteng ut*ng.

Pero para sa akin, ang bra ay sagabal. Ewan ko ha, pero sana hindi na lang nauso ang pagsusuot ng bra. Sino nga ba ang lintek na nag-imbento ng BRA na yan?  Bukod sa dagdag gastos, ang init sa katawan lalo na pag nasa bahay lang.

Kung kayong mga lalaki ay mas gusto ng naka boxer shorts lang o nakasuot ng purontong na walang brip dahil sa gusto nyo yung tipong libreng kumakalembang at nape-preskuhan ang yagbadodels nyo lalo na pag nasa bahay lang eh parang ganun din kaming mga babae pagdating dibdib namin. Mas presko talaga pag walang bra.

Doon sa Europe noong gumala ako last November, huwaw! Walang pakialamanan doon! Nakakagala ang mga bebot sa mall ng hindi nagsusuot ng bra, nakakapag-grocery ng walang bra, at higit sa lahat nakakatipid sila sa gastos sa bra! Inggit ako!  Tingin ko nga eh hindi na yata sila bumibili ng bra. Hmmnn…panty kaya?

* * * * *

Mrs: Dear, bili mo naman ako na ng bra. Mister: Sus, bra bra ka pa, eh liit naman ng boobs mo?! Mrs: Eh, bat ikaw, nagbi-brip ka?

* * * * *

Similarities of BAR & BRA:

1. Both words have same letters. 2. Both are drinking zones. 3. Both have scheduled times for opening & closing. 4. Both makes men crazy when open.

* * * * *

An English grammar teacher slapped her male student when he asked, “Why is Bra singular when it covers two items, and Panties, plural, when it cover one item?”

* * * * *

I’m Defying Gravity

I’m so loving this song of Glee Cast that I keep on playing it for hours and hours since yesterday. Palagay ko nagka-LSS (last song syndrome) na rin ang mga neighbors ko ng dahil sa akin.  Kever!

“… I’m through accepting limits
”cause someone says they’re so
Some things I cannot change
But till I try, I’ll never know!
Too long I’ve been afraid of
Losing love I guess I’ve lost
Well, if that’s love
It comes at much too high a cost!”

mood: senti