Usapang-Bra

Dito sa Pilipinas, kaming mga babae ay hindi basta-basta nakakalabas ng bahay ng hindi nagsusuot ng bra pwera na lang siguro kung gusto namin magpa-manyak sa mga lalaking makakaharap o makakasalubong sa daan.

* pic courtesy of Google.

Importante sa mga pinay ang bra kaya naman yung iba ay hindi na yata mabubuhay ng walang bra. May ibang girls na kahit sa pagtulog … ay naka-bra pa rin.

May nagsabi rin sa akin na parang secured na secured daw kasi ang feeling nila pag naka-bra kahit tulog. Wateber!

Naalala ko tuloy dati ang chorva ng isang kaibigan ko noong nasusunog yung apartment nila, “di bale ng malitson wag lang malitson ng walang bra!”. O di ba!

Ano nga ba ang BRA? Howel, para sa karamihan, ang BRA ay dignidad. Para sa mga walanjo(ga) o flat-chested, ang bra ay pampa-sexy lalo na pag wala namang ba-bra-han. Para sa mga boobsie, ang bra ay pangtakip sa higanteng ut*ng.

Pero para sa akin, ang bra ay sagabal. Ewan ko ha, pero sana hindi na lang nauso ang pagsusuot ng bra. Sino nga ba ang lintek na nag-imbento ng BRA na yan?  Bukod sa dagdag gastos, ang init sa katawan lalo na pag nasa bahay lang.

Kung kayong mga lalaki ay mas gusto ng naka boxer shorts lang o nakasuot ng purontong na walang brip dahil sa gusto nyo yung tipong libreng kumakalembang at nape-preskuhan ang yagbadodels nyo lalo na pag nasa bahay lang eh parang ganun din kaming mga babae pagdating dibdib namin. Mas presko talaga pag walang bra.

Doon sa Europe noong gumala ako last November, huwaw! Walang pakialamanan doon! Nakakagala ang mga bebot sa mall ng hindi nagsusuot ng bra, nakakapag-grocery ng walang bra, at higit sa lahat nakakatipid sila sa gastos sa bra! Inggit ako!  Tingin ko nga eh hindi na yata sila bumibili ng bra. Hmmnn…panty kaya?

* * * * *

Mrs: Dear, bili mo naman ako na ng bra. Mister: Sus, bra bra ka pa, eh liit naman ng boobs mo?! Mrs: Eh, bat ikaw, nagbi-brip ka?

* * * * *

Similarities of BAR & BRA:

1. Both words have same letters. 2. Both are drinking zones. 3. Both have scheduled times for opening & closing. 4. Both makes men crazy when open.

* * * * *

An English grammar teacher slapped her male student when he asked, “Why is Bra singular when it covers two items, and Panties, plural, when it cover one item?”

* * * * *

Related Posts with Thumbnails

4 comments

  1. a.r.d.y.e.y.No Gravatar says:

    pwede namang band aid na lang di ba? ganyan ginagawa ko nung highschool ako para di lumitaw utong ko sa uniform naming manipis. hehehe.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    may nipple tape na mabibili ngayon…balak ko bumili para matakpan ang ut*ng ko habang rumarampa. lols.

    [Reply]

  2. antukenNo Gravatar says:

    ako naman, i love matching sets of undies. hilig ko talaga. pero pagdating na pagdating sa bahay, tanggal din ako ng bra. not that there’s anything to support ano. hehehe.

    when i was single, matic, pagdating ng house, tanggal agad bra ko. kaso, now that i’m living with my in-laws nahihiya ako minsan. kaya nagkukulong na lang ako sa room ko. hehehe.
    .-= antuken´s last blog ..2009 =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    lam ko magaganda undies mo. maganda taste mo, girl.

    buti na lang kami-kami lang ng mga bagets ko dito sa bahay….nagba bra lang ako pag may lakad.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge