Dahil sa masaya ako ngayon dahil sa pagka-discharge kahapon sa ospital ng man op may layp kong si KUPS …nag-celebrate ako in my own little way bilang pasasalamat.
Paano? Anofengavah! Eh Di lumafang!
Nag-bake ako ng tahong.
Nilinis, hinugasan ang nakababad kong tahong.
Para sa 1/2 kilo na tahong, Naghanda din ako ng 1/2 tsp na tinadtad na bawang, 1/2 cup na cheese at olive oil.
Inilagay sa baking tray at isinalang sandali (3 minutes lang) sa oven.
Oppps! Ayan naaaa! Medyo bumuka na ang tahong ko.
After 3 minutes, dyaraaaan! eto na ang itsura ng tahong ko!
Cute at nakakalaway ba? Lol!
I dot each tahong with grated garlic, sprinkle with cheese and drizzle with olive oil.
Ibinalik sa oven, bineyk ng mga 1 minuto o hanggang mag-melt yung cheese.
Hindi ko na nagawang kunan ng kodak ang Baked Tahong ko paglabas ng oven….natakam na ako!
With matching kaning-lamig…mag-isa kong inubos ang tahong ko. Bow!








bakit iba ang shell ng tahong diyan? parang hugis ng legs ng magandang babae
Reply
MARU
reply on January 7th, 2010 3:11 pm:
Bakit kaya pag sinabing “tahong” eh mga parte ng katawan ng babae agad ang unang pumapasok sa isip ninyong mga lalake?
Hmmmn…lalaki (read: manyak) ka nga, bossing! hahaha!
Reply
like all men! I love tahong!
dennis´s last blog ..Welcome 2010!
Reply
MARU
reply on January 8th, 2010 9:54 pm:
I think i still have to meet that real man (I said real kasi daming pa-men eh) na hate na hate ang tahong. Meron kaya?
Reply
kakaiba ang tahong mo ms maru… mahaba at malapad at mukhang masarap… =P~
Klet Makulet´s last blog ..Ako ay Nagbalik
Reply