Pagdating sa usapang boypren-gerlpren na relasyon…maipagmamalaki kong kahit papaano ay nakukuha ko pa rin makipag-prendship sa mga naging EX-boypren ko hanggang ngayon. (take note: “mga”…plural ha, plural! Aym soo yavangs!)
Hindi ko naman nilalahat pero nananatili kaming civil ni EX sa isa’t isa at ang sarap talaga sa pakiramdam na nakakapag-emote pa rin ako ng saloobin ko lalo na pag kinakabog ng tadhana ang relationship ko with my current boyfriend.
Days ago, I had a dispute with my KUPS (my bf) that lasted for more than 2 weeks. Ang maysala? AKO! Yun din ang mga araw na pakiramdam ko eh ang sama-sama kong tao.
Gusto kong i-umpog noon ang ulo ko sa dingding namin kaso nag-alala ako at baka mag-crack lang at hindi kayanin ng wall namin ang katigasan ng ulo ko. (as of this writing, lablablab na ulit kami ng Kups ko).
Eto ang excerpt ng pag uusap namin ni EX noon:
M A R U : uy may tanong akoM A R U: siguro naman..kahit papano eh sasagutin mo tanong ko with all honestyEX: oo naman
EX: ano tanong
M A R U : sensya na ha…medyo senti
M A R U : pero how i am as a person?
M A R U : how i was as a gf?
M A R U : hey! kahit negative sabihin mo ok lang sa akin ha
EX: as a person talagang ok ka marunong ka magdala ng tao masaya kang kausap
M A R U : how about sa ugali?
M A R U : sensya na ha. pero siguro naman mas makakasagot ka ng deretso kung ikaw ang tatanungin ko kesa iba
EX: as a gf maganda rin kasi marunong kang magdala, ang naging problema natin nuon parang nasakal ako dahil hindi ko maibigay yung time na gusto moEX: at lagi tayo nag-aaway nuon na i-stress akoEX: isa pa e ayaw mo nung nirerendahan kaEX: pero syempre alang perpektong tao
Aktwali, gusto ko lang mag-solicit kay EX ng mga magagandang salita tungkol sa akin dahil nagbakasakali akong mai-angat ko ang lumalawlaw kong self-esteem kaya ganun ang tanong ko sa kanya.
Siempre, bukod dun gusto ko rin papaniwalain ang sarili ko na hindi naman ako ganun ka-demonyita kay Kups as his GF. Sino ba naman ang may gusto na maging pasaway at makapanakit ng boypren noh? I admit I’m such a bitch — sometimes!
Shhh! Sa totoo lang trip ko ang maging certified bitch talaga. Nabasa ko kasi yung book ni Sherry Argov’s: Why Men Marry Bitches. Malay natin at maisipan ni Kups na i-marry-marry ako someday dahil sa bitchiness ko. O divah!Lols!
Well, my relationship with Kups is not exactly one of those matches made in heaven — but it has some good possibilites.
* * * * *





ang kulit ng mga post mo ate maru..:)
.-= melith´s last blog ..Are you fed up with telemarketers? =-.
[Reply]
MARU
Reply:
January 13th, 2010 at 6:19 pm
Milethhhhhhh! Olala! Salamat ulit sa pagbisita, palangga. Masanay ka na sa kakulitan ko. Buti nga minsan eh nagnonormal-normalan pa rin ako kahit papano.
[Reply]
ayiee ang mamaru may lablyp na pla…aihihi!
.-= ikay´s last blog ..Ay Sasapit! =-.
[Reply]
MARU
Reply:
January 13th, 2010 at 6:18 pm
Hahaha! Ikay dearie, wish me goodluck…na sana dumating ang araw na parang kinanta ko na rin ang winning song na A MOMENT LIKE THIS ni Kelly Clarkson.
“A moment like this
Some people wait a lifetime
For a moment like this.
Some people search forever
For that one special kiss.
I cant believe its happening to me.
Some people wait a lifetime… for a moment like this.”
http://www.youtube.com/watch?v=vSSoMw3R-E8
O di ba, ang taray! Hindi naman obyus na inlababo ako di ba? Slight lang naman, di ba? Lol!
[Reply]