Eh Kasi Babae

Trip yata ng KUPS na i-spoil ako at gusto akong padalhan ng matagal ko ng inaasam naportable hard disk tsaka isang de-kalidad na wireless mouse para sa netbook ko. (Aktwali, mouse lang dapat yun. Ewan ko kung bakit biglang nagtanong kung gusto ko ng portable HD.) Siempre hindi na ako nagpakipot pa at YESes (maraming yes yun eh) na agad ang sagot ko. Ako feh!

Ginalugad muna namin ni KUPS ang internet kung saan makikita ang mga chuwariwariwap na nabanggit ko sa itaas. At pagkatapos ng 48 years, sa wakas napuruhan din ni Kups yung website ng gusto kong HD at mouse! Kaya naman yung mokong, bago pumasok sa work kanina eh kampante na kung saan oorderin yung items.

Ang hindi nya alam eh may napipintong aberya sa kadahilanan na may pagbabago akong naiisip. Op kors di nya ako masisisi dahil may karapatan akong magbago ng isip dahil:

“1. Ang Tunay na Babae ay palaging undecided.”

Kung tatanungin nyo kung isang tunay na babae talaga si Mamaru…nakow! Walang duda yun! At kung pagbabasehan talaga ang Credo ng Tunay Na Babae, pasok na pasok ako sa banga! Nasapul ko yung nangunguna sa listahan.

Ewan ko kung nagtataka pa si KUPS na ganito text ko sa kanya sa opis kanina:

MARU: “Kups kong nilalangit! yung tungkol sa HD..paki check mo ha bka USB dock lng pwede yung HD. kung png USB dock lng sya..wag n lng yun. Gusto ko pwede sa USB yung hd khit walang dock. Or maybe seagate na lang siguro. waah! wag kaw galit kung paiba iba ako ng gusto. pleaseee!”

Parang nai-imagine ko tuloy na siguro nagkakamot na lang ng ulo ang dear heart ko habang nagbabasa ng text ko. Lol! At hindi nga rin ako nagkamali sa inaasahang reply.

KUPS: “ang gulo mo ha para kang bulbol!”

Hehehe! Sensya na po…eh kasi babae!

O sha! Kayong mga lalaki, para mas maintindihan nyo kaming mga babae, basahin nyo na lang ‘tong nadikwat ko galing sa blog na Ang Tunay Na Babae.

CREDO NG TUNAY NA BABAE

1. Ang Tunay na Babae ay palaging undecided.
2.Ang Tunay na Babae ay palaging tama.
3.Ang Tunay na Babae ay palaging late ng minimum of 15 minutes.
4.Ang Tunay na Babae ay pwedeng mainis sa kapwa babae for no apparent reason.
5.Ang Tunay na Babae ay kumakanta sa banyo.
6.Ang Tunay na Babae ay nakapikit habang hinahalikan pero didilat sandali para tignan kung nakapikit din sya.
7.Ang Tunay na Babae ay hindi umaalis ng bahay na walang shaver.
8.Ang Tunay na Babae ay ngangawa sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
9.Ang Tunay na Babae ay magsi-shriek sa kilig sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
10.Ang Tunay na Babae ay nagti-text ng cryptic smileys pag di makabigay ng straight answer.
11.Ang Tunay na Babae ay kayang maging one of the boys kahit naka-stilettos.
12.Ang Tunay na Babae ay kayang hindi huminga ng tatlong oras pag naka-cocktail dress na fit.
13.Ang Tunay na Babae ay may at least isang thong.
14Ang Tunay na Babae ay may default answer na wala pag tinanong kung may problema ba.
15.Ang Tunay na Babae ay may corresponding song sa bawat development stage ng lovelife.
16.Ang Tunay na Babae ay hindi hinihiwalayan ng lalake. She just had enough.
17.Ang Tunay na Babae ay nagchi-check ng cellphone.
18.Ang Tunay na Babae ay hindi mauunang magsabi ng I love you.
19.Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof.
20.Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof habang buhay.

* * * * *

How I Love The Simple Things Just Are

Pssst! Kups!

“…So here we go
Let’s just dance
Teach my soul to take this chance
Put my heart
In yourhands
Out of all the moments that we leave behind
Turn around and tell me baby
We’ll remember.

The thunder and the rain
The way you say my name
After all the clouds go by
The simple things remain
The sun, the moon, the stars
The beating of two hearts
How I love the simple things
The simple things just are.”

Rebecca Lynn Howard’s The Simple Things

Mood: Hornee :p


Esep-Esep 2

  • Similarities meron si Jason Ivler at Michael Scofield of Prison Break? Parehong tadtad ng tattoo ang bodylicious ng dalawang hombres, parehong mga skinhead cuties at parehong yummylicious! Wraaar! Lol! Kaibahan? Isang kontrabida at yung isa ay bida. Kay Jason Ivler, wag na wag kang tatanga-tanga sa pagda-drive dahil pag natiyempuhan ka ng mokong na yan sa daan…siguradong may paglalagyan ka. Nyay!
  • Sa hiwalayang Kris Aquino at James Yap: Tama si Ai-ai de las Alas sa advice nya kay friendship Krissy nya: isauli si James sa nanay nya! See, kung ano laki ng titi ni James (“Big Bird” tawag sa kanya nung girl sa James Yap-Hope Centeno scandal di ba?) ay sya naman liit naman yata ng utak nya. Ewan ko ba, natatangahan ako sa mukha ni James Yap. Parang hindi marunong mag isip eh. Naaalibadbaran lang ako sa mga sagot nya tuwing may interview sa TV.
  • Sa mala-gintong presyo ng asukal ngayon (more than 1$ ang isang kilo): pasalamat ako that I’m sweet enough. Derpor, hindi ako affected.
  • Pag nakikita ko ang campaign Ad ni Rey Langit sa TV: sana ma-realize ni Rey Langit na hindi nya talaga kasangga ang langit. Ang kulit nya ha!
  • Sa 2.5 feet na haba ng balota na gagamitin sa darating na “computerized” election, isang word lang ang inaasahan kong siguradong mangyayari – CHAOS!
  • Habang tumatagal, mas lalo lang ako nai-inlab sa Kups ko. Uyyyyyy! Di nga, just a mere thought of him…nakikiliti na agad ang t*ngle ko.Wahaha!

* * * * *