Eh Kasi Babae

Trip yata ng KUPS na i-spoil ako at gusto akong padalhan ng matagal ko ng inaasam naportable hard disk tsaka isang de-kalidad na wireless mouse para sa netbook ko. (Aktwali, mouse lang dapat yun. Ewan ko kung bakit biglang nagtanong kung gusto ko ng portable HD.) Siempre hindi na ako nagpakipot pa at YESes (maraming yes yun eh) na agad ang sagot ko. Ako feh!

Ginalugad muna namin ni KUPS ang internet kung saan makikita ang mga chuwariwariwap na nabanggit ko sa itaas. At pagkatapos ng 48 years, sa wakas napuruhan din ni Kups yung website ng gusto kong HD at mouse! Kaya naman yung mokong, bago pumasok sa work kanina eh kampante na kung saan oorderin yung items.

Ang hindi nya alam eh may napipintong aberya sa kadahilanan na may pagbabago akong naiisip. Op kors di nya ako masisisi dahil may karapatan akong magbago ng isip dahil:

“1. Ang Tunay na Babae ay palaging undecided.”

Kung tatanungin nyo kung isang tunay na babae talaga si Mamaru…nakow! Walang duda yun! At kung pagbabasehan talaga ang Credo ng Tunay Na Babae, pasok na pasok ako sa banga! Nasapul ko yung nangunguna sa listahan.

Ewan ko kung nagtataka pa si KUPS na ganito text ko sa kanya sa opis kanina:

MARU: “Kups kong nilalangit! yung tungkol sa HD..paki check mo ha bka USB dock lng pwede yung HD. kung png USB dock lng sya..wag n lng yun. Gusto ko pwede sa USB yung hd khit walang dock. Or maybe seagate na lang siguro. waah! wag kaw galit kung paiba iba ako ng gusto. pleaseee!”

Parang nai-imagine ko tuloy na siguro nagkakamot na lang ng ulo ang dear heart ko habang nagbabasa ng text ko. Lol! At hindi nga rin ako nagkamali sa inaasahang reply.

KUPS: “ang gulo mo ha para kang bulbol!”

Hehehe! Sensya na po…eh kasi babae!

O sha! Kayong mga lalaki, para mas maintindihan nyo kaming mga babae, basahin nyo na lang ‘tong nadikwat ko galing sa blog na Ang Tunay Na Babae.

CREDO NG TUNAY NA BABAE

1. Ang Tunay na Babae ay palaging undecided.
2.Ang Tunay na Babae ay palaging tama.
3.Ang Tunay na Babae ay palaging late ng minimum of 15 minutes.
4.Ang Tunay na Babae ay pwedeng mainis sa kapwa babae for no apparent reason.
5.Ang Tunay na Babae ay kumakanta sa banyo.
6.Ang Tunay na Babae ay nakapikit habang hinahalikan pero didilat sandali para tignan kung nakapikit din sya.
7.Ang Tunay na Babae ay hindi umaalis ng bahay na walang shaver.
8.Ang Tunay na Babae ay ngangawa sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
9.Ang Tunay na Babae ay magsi-shriek sa kilig sa CR at lalabas dito na parang hindi affected.
10.Ang Tunay na Babae ay nagti-text ng cryptic smileys pag di makabigay ng straight answer.
11.Ang Tunay na Babae ay kayang maging one of the boys kahit naka-stilettos.
12.Ang Tunay na Babae ay kayang hindi huminga ng tatlong oras pag naka-cocktail dress na fit.
13.Ang Tunay na Babae ay may at least isang thong.
14Ang Tunay na Babae ay may default answer na wala pag tinanong kung may problema ba.
15.Ang Tunay na Babae ay may corresponding song sa bawat development stage ng lovelife.
16.Ang Tunay na Babae ay hindi hinihiwalayan ng lalake. She just had enough.
17.Ang Tunay na Babae ay nagchi-check ng cellphone.
18.Ang Tunay na Babae ay hindi mauunang magsabi ng I love you.
19.Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof.
20.Ang Tunay na Babae ay kailangan ng proof habang buhay.

* * * * *

One thought on “Eh Kasi Babae

  1. Pingback: Fuckage « MARUISM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *