Villar, Walang Bols

Buset na buset na ako dito kay Manny Villar sa totoo lang.Napupurga na ako!

Kelan kaya magkakaroon ng bayag ang mamang ‘to para harapin ang mga isyung inaakusa sa kanya tungkol sa kontrobersya ng C-5 road extension ng sa ganun eh magkaliwanagan na once and for all!

“Ayoko munang magsalita. Ang ayoko lang yung didiktahan ako kung kelan ako magsasalita at kung ano ang aking sasabihin. Walang makakapagsabi sa akin kung kelan ako dapat magsalita at kung ano ang sasabihin ,” Villar said.

“Anytime naman handa akong sagutin yan pero sa labas, sa tao. Kasi dito sa komite, e wala naman akong makukuhang katarungan dito” he added, referring to the Senate committee. INQUIRER.net

Halerr! Ano ba ikinakakatakot mo, sir? Kung talagang nasa sa ‘yo ang katotohanan eh bakit naman pagkakaitan ka ng katarungan?

Santisima! Senador pa lang ang taong ‘to at kumakandidato pa lang para maging presidente pero hindi na marunong humarap sa mga dapat harapin. Sus, ano pa kaya kung naging presidente na sya? Nakow! Magngitngit na lang kayo! Burnik nyo! Maghabol kayo sa tambol-mayor (teka, ano nga ba ang tambol-mayor?) Malamang ganyan ang sasabihin ni Villar sa mga pinoy tuwing inaakusahan.

Isa pang kina-aasar ko dito kay Manny Villar eh yung campaign ad nya na… “Si Villar ang tunay na mahirap.” Eh ano ngayon? Kumbaga si Villar lang daw ang tunay na may malasakit sa mga mahihirap. Ah ganun? Eh paano naman kaming mayayaman? Hehe!

Hindi nga, sino na lang ang magmamalasakit sa amin na mga ilustrados, kaming mga nanggaling sa buena familia, kaming mga dugong-bughaw? What will happen to us – kaming mga nabibilang sa alta-sociedad pag naging presidente si Villar?

Tsk tsk! Kung boboto man ako…ayoko talaga kay Villar. Maliban na lang siguro kung bibigyan nya ako ng dalawang unit ng mga pabahay nya! Lol!

2 thoughts on “Villar, Walang Bols

  1. base mamaru! hehe

    i agree..wala xang kabayag bayag..letse tlg yan..

    next gma yan..

    and thats for sure…

    if ever..

    http:professionalheckler.wordpress.com also has a line of villar when asked kung babawiin nya ba ung ginastos nya ngaun sa mga adsss nya for this coming election 2010

    hmmmpp..

    ayokong mhighblood

    kase..

    nakabase ako..! yipee

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    nahahayblad lang ako kay man.evil liar!

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *