Sayang Ang Datung

Napansin nyo ba na pagdating sa mga love songs…mas maraming kanta ang nako-compose tungkol sa mga warak-warak na pag-ibig o kaya tungkol sa mga durog-durog na puso?

Kadalasan ang meaning ng kanta ay tungkol sa kung paano ka naging proud sa pagiging tanga o martir mo sa iyong minamahal, kung paano ka naglaway na lang dun sa labidabs mong pagma-may ari na pala ng iba ang puso, etsetera, etsetera!

Eh kasi ganito yun (o ha! dunong-dunungan ang lola). Ang totoo nyan ay mas madali kasi mag-compose ng kanta, tula, o story  pag heartbroken ka o kaya depres-depresan ang mood mo. Pag mas todo-emote o senti ka, mas maganda!

Parang blogging din yan. Ewan ko ba, mas madali akong makapag-blog pag medyo depress ako. Or maybe it’s just me. :(

Gaya ngayon, eto… kaya wala akong maisip na mai-blog agad dahil sa HAPPY ako at hindi DEPRESS. Hehe!  Ano ang konek?

Ibig kong sabihin, if for example you’re a song writer slash composer slash artist, when you’re happy, usually the last thing you want to do is sit down and grab a guitar. If you’re in happy mood, normally you want to go out and celebrate! But  when you’re heartbroken, parang it makes sense to turn off the lights, mag-emote and go to the piano.  Matindi ang arrive ng composition kasi nanggagaling talaga sa kasulok-sulukan ng puso eh. Definitely, heartbreak tends to be the more inspiring emotional state.

Eh parang ganun din sa blogging. Mas buhos ang loob mong magsulat pag mejo may kirot kang nararamdaman sa puso mo. Kaya pansinin mo minsan, pag ang blogger ay nai-inlab…andun yung napapabayaan na ang site nila at tuluyang inaabandona ang pagbo-blog. Pero dehins ko nilalahat ha?

Inaamin ko, masaya ako ngayon lalo na sa lablayp ko. Wala akong mai-reklamo kay Kups sa labs nya sa akin at sa pamilya ko. Such an extraordinary man indeed!

Pero – kahit madalas ay nasa alapaap ako ngayon, kahit  medyo naba-blangko ang utak ko na parang akong bangag at high na high sa pagiging lab adik…hinding-hindi ko pwede pabayaan ‘tong blog ko! Alam mo ba kung bakit?

Kasi sayang ang datung eh! Wahaha!

 

Quote of the Day:

“For those passionately in love, the whole world seems to smile.” – David Myers

* * * * *

 

3 thoughts on “Sayang Ang Datung

  1. Hmmm…. come to think of it, napansin ko nga. pag nag- raraumbulan kami ni misis (hindi sa kama ha 😉 ), ang sarap mag sulat, parang ang daming ideas. Pag nag rambulan naman kami sa kama. Halos pigain ko utak ko pero wala akong masulat? Hmmmm…. Interesting…….
    .-= Dennis´s last blog ..Le Ching Tea House =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    “Pag nag rambulan naman kami sa kama. Halos pigain ko utak ko pero wala akong masulat…” — ano ka ba naman Dennis, eh napiga na nga lahat sau eh ano pa nga ba ang maisusulat mo eh pigang-piga ka na! 😀

    [Reply]

  2. miss maru..parang hindi naman ganun ang nararamdaman ko..i am passionately in love, but the world is not smiling at me..nakadagdag pa na mejo makulimlim ang panahon, damp na parang umuulan kahit hindi pa naman..parang hinihigop palabas yung puso ko..in love ako, in fact i have just discovered it, mahal na mahal ko yung tao, pero the moment i discovered it , was the moment we had to say goodbye again. u guessed it, LDR-long distance relationship….i love him so much i wanna shout it out now. we didnt have that much time when we were supposed to, i felt i could have done more..i want ask him for an assurance na kahit maghiwalay kami, mamahalin nya ako ng tulad ng ipinaparamdam nya sa akin, pero he is a man who does not settle much to sentimentalities. yes he will miss me but he would rather work non stop and do his stuff that tell that to me…whereas ako, im left to sulk in with the depression na unti unti nang kumakain sa akin. we parted ways at an airport..and he told me when we embraced last, “dont look back’…i didnt look back…natatakot kasi akong makita shang umalis at baka yung image na yun ang mag linger sa utak ko..i want us to be together, physically together…but i know, he’s got a lot of things to do with his life..with his career..his studies…i know somehow i make him feel content dahil alam nyang snusuportahan ko sha sa mga dreams nya, dagdag pa na malayo kami sa isat isa and i try to be the gf that he deserves…but i also need him…i need him so much..pero sa palagay ko, it’s not the time for me para ilagay sa top priority nya,….im starting to finally love again, the kind of love that i will love to treasure kahit nasasaktan ako…pero i dont want to get hurt that bad din naman….i also deserve to be happy…what do u think? should i tell him, that i need him?

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *