Medyo panis na ‘tong post ko. Dapat nung weekend pa ‘to, kaso hindi ako tinantanan ng neck pain at headache netong mga nakalipas na araw. Kelangan ipagtabuyan ko pa ang sakit ko sa pag-inom ng Advil ng halos araw-araw. Pakiramdam ko tuloy, mas pinayayaman ko lang ang maker ng Advil.
Heniways, eto na yung “pagtatapos” nung “itutuloy..” dun sa post kong Laptop o Tsinelas (dated February 3).
* * * * *
At eto na ngaaaa!
Sa February 22 pa ang berdey ni Kevintot ko pero WISH GRANTED na sya sa gusto nyang pa-berdey last week pa! Maniniwala ba kayo kung sabihin ko na ako ang nagbigay netong ‘pyuter?
Siempre ISTIR ko lang yun! Hindi noh! Tsinelas lang talaga ang afford ko.
Alaws akong sapat na raket para sa talagang gusto na berdey gip ni Kev. Paano ko naman maibibigay yun eh hindi naman sekreto na isa lamang akong poorita na nanay. Ewan ko ba, tanging natural na ganda ko lang talaga ang pwedeng ipagmamalaki tungkol sa akin ng mga anak ko.Lol!
Last week, after my men had a one-on-one talk over Skype, Kups gave Kevin his first notebook computer ever…an ASUS.
Eto yung tinutukoy kong TV AD. Hehe! Aliw!
Mas lalo lang napapamahal sa akin ang jowa ko. Sino ba naman ang hindi makaka-appreciate sa generosity nya? Op kors, I appreciate not because of the material things na binibigay nya sa amin. Bago pa man ang bigayan ng mga bagay na yan, andun na talaga yung pagkukusa ni Kups ang makilala ang mga bagets ko by asking me questions about my kids at yung makausap sila kahit sa pamamagitan man lang ng Skype. As of this writing, Kev and Kups did some exchange of short emails na rin.
Sobrang nakaka-high sa pakiramdam talaga ang makitang kahit papano ay ume-effort ang partner ko na mapalapit sa mga anak ko.
Isn’t it great, ang makita na ang dalawang lalaki na pinakamahalaga sa buhay ko ngayon ay nagkakasundo na? 
Naglevel-up na nga!







