Si Kups At Ang Simpleng Rason Namin

Bago ang lahat…

…ako lang ang lumaaaa!

Lol! Gasgas na ang intro ko.

Hindi ko maitago na natutuwa ako sa balitang purely chismax lang talaga yung balita na naghiwalay na ang peborit kong celebrity couple na si Brad Pitt at Angelina Jolie.

Brad PittMas lalo naman akong nakahinga ng maluwag dahil paynaleee, matatapos na rin yung bulong-bulungan na kaya humihiwalay si Brad kay Mareng Angelina ay dahil nga sa speculation na ka-love triangle namin si Brad Pitt sa pag-iibigan namin ni Kups. Weee! Echoos lang!

Well, speaking of Kups – (yeah, short for Kupal), eh may nag teeext! (ala-Vice Ganda)

May nagtanong sa akin sa text kung bakit KUPAL ang tawag ko sa man op mylayp. Sagot ko naman, mas pangit kasi kung TIKTIK ang itawag ko sa kanya. Parang ang bantot! Lol! La lang, trip ko lang na yun ang itawag sa labs ko… ang importante naman kasi dun ay hindi sya nagrereklamo!

Uyyy! Three months na kami kahapon ni Kups and we are going stronger imperness ha! At sa awa ng Diyos kahit 3 months na kami eh hindi pa nya ako nabubuntis. Derpor, napapanatili ko pa rin ang pagka-birhen ko! Birhen my ass! Bwahaha! Hays…ang layo kasi ng jowa ko, hindi ko man lang nahahalay tuwing monthsary namin. Hmp!

Di bale, mga 165 na tulog na lang at magkakasama na kami ng Kups ko. Sa wakas, darating na rin ang mga araw na wala kaming ibang gagawin kundi ang magkulong sa kwarto… para mag-pusoy. :P

Seryosli, bago nga lang siguro kami ni Kups sa relasyon namin…mga 3 months pa lang at malamang may magsasabi na marami pa kaming bigas na kakainin  para sabihin na …”and they live happily ever after.”

Eto lang din ang masasabi ko, kung halimbawa ang buong BUHAY ay katumbas ng isang sako ng bigas…palagay ko naman, kalahating sako ng bigas  na lang ang kakainin namin ni  Kups. Marami-rami na rin kaming nakain na bigas sa kanya-kanyang buhay namin NOON. Andun yung pareho na kaming nakaranas na mabusog, maduwal sa kakakain at nagtae pa nga kung minsan. Ang tinutukoy ko ay ang tungkol sa sarap at pait sa pakikipagsapalaran namin noon na kasama naman talaga sa buhay ng tao.

Kumbaga, nangalahati na kami sa journey namin at kalahati na lang ang bubunuin namin. Andito na kami sa punto na tapos na ang pag i-eksperimento ng mga kung anik-anik na bagay na wala naman katuturan.

We both realized huwag na kami mag-aksaya ng panahon at bigyan na lang ng pansin ang mga bagay na may importansiya sa amin. Magpakatotoo kami sa nararamdaman namin dahil nasa edad na kami na kakornihan na kung maglolokohan pa kami. In short, mga tanders na kami! Waaa!

Napagkakasunduan na rin namin ni Kups na namnamin na lang namin ang tunay na kahulugan ng buhay, mahalin ang isa’t isa, magrespetuhan, magpakasaya kasama ang pamilya at mag-enjoy sa anumang blessing na bigay ni Lord. O, cheesy na ba? Kever!! Wag kang mangelam!

Heniways, wala lang sana may kokontra pero malakas ang paniniwala ko na mangyayari ang lahat at pagbibigyan kami nung nasa ITAAS sa gusto namin dahil sa SIMPLENG rason na – gusto lang naman namin ni Kups ang maging MASAYA at MAGINHAWA sa second-half ng buhay namin.

Quote of the day:
All the world’s a stage and most of us are desperately unrehearsed. – Sean O’Casey

Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. ikayNo Gravatar says:

    teka mamaru…eh ewan ko kung hindi lang ako updated sa laplyp mo pero mukang nakakakilig ang lab story nyo ni kups…hehehe pakwento nman jan oh…ahihi :D
    .-= ikay´s last blog ..Ay Sasapit! =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Ikay, sa totoo lang hinding-hindi halata na tsismosa ka. Hahaha! Joke lang,dearie. Yaan mo at ichu-chuva ko rin yan dito. Ako pa! Sa daldal ko ba naman ‘to!

    Ikaw, musta naman sexlayp errrr…lablayp mo nga pala?

    [Reply]

  2. BanannieNo Gravatar says:

    ay grabe huli talaga ako sa mga tsismax, di ko na nasundan kung sino si Kups :(

    but i am soooooooooooooooooo very happy for you mareng maru. at last may kasama ka na rin sa buhay. hirap kaya ng nag-iisa sa buhay. hays… buti na lang din at nakahanap ako ng lalaki ko rin. tsk…

    God bless mare, sana happy ending na tayo!!!!! waaaaaaaaa!! sanaaaaaa!
    .-= Banannie´s last blog ..Sick Days =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Anniepie, abswelto ka na kung hindi ka man updated…alam ko bisi-bisihan ka rin sa lablayp mo.

    Natawa naman ako sau kanina sa YM…di ka talaga nakatiis magtanong ha? Tsismosa mo talaga. Lol!

    Basta pramis natin yun ha, we’ll keep in touch saan ka man mapadpad.

    Thank u so much for the wishes. I wish u all the best din sa jowa mong Briton. :D

    [Reply]

  3. sybilNo Gravatar says:

    hi idol, maru… lagi kong dinadalaw ang blog mo at ngayon lang nagkalakas ng loob na mag commnent… shy ako :p

    ganda ng blog entry, nakakakilig… tumayo buhok ko sa nose… nyahaha

    wala bang kapatid ang papa mo? pinsan kaya… pag meron, andito lang ako, ibato mo sa kin :p

    [Reply]

    MaruNo Gravatar Reply:

    Sybil dear, hanukaba! bakit pa shy-shy ka pa diyan. Dont u worry because all of us here have no SHY! Lol!

    Ay! Nakausap ko kanina si KUPS at hindi ko naitanong kung may mga pinsan sya na abelabol pa. Yaan mo, bebentahan kita ng hombre pag may madikwat ako dito sa kanto-kanto namin. Haha! Joke!

    Maraming salamat sa pag comment ha? Tats ako. Ingat ka lagi.

    [Reply]

  4. apolloNo Gravatar says:

    kontra ako! wala lang, trip lang. para may kontra naman sau dito sa blog mo. lols!

    [Reply]

    MaruNo Gravatar Reply:

    ay heyts yo! kindly change ur name to MAX ALVARADO.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge