25 Random Things About Me

  1. Si Richard Gomez lang ang tanging celebrity na naka-seks ko sa panaginip ko. Binata pa sya noon nung maganap ang kahalayan naming dalawa sa panaginip ko kaya wala akong dapat ihingi ng tawad kay Lucy Torres. Pasensya ka na lang, girl…pero mas nauna akong nakatikim sa mister mo kesa sa yo.
  2. Pag bumibili ng totbras, green pa rin ang pinipili kong kulay hanggang ngayon.
  3. Net-a-holic ako since 2003.
  4. Kahit magkapera ako, mas gusto ko pa rin mamili ng damit sa ukay-ukay.
  5. Takot pa rin akong manood ng horror movies. Ayoko rin ng mga kwentong nakakatakot.
  6. Hindi ako masyado mahilig sa karaoke. Sumasabay din ako paminsan-minsan pero hate ko ang kumanta na may hawak na mikropono.
  7. Hindi ako marunong sumayaw.
  8. Madali mag init ulo ko sa mga taong mayayabang at arogante.
  9. Naiilang ako makipag-usap sa taong-englisero.
  10. Mas takot at nandidiri ako sa daga kesa ipis.
  11. Mas nakakatulog ako ng maayos pag may suot akong eyemask, gabi man o araw.
  12. Kapag sobrang tensyonado na ako, nagpapatawa na lang ako para kunyari hindi nenerbyos.
  13. Mas madalas, hindi ako nagse-celebrate ng berdey ko.
  14. Takot ako magsalita sa harap ng maraming tao o publiko. Hihimatayin ako pag pinilit.
  15. Mas marunong ako magsulat kesa magsalita ng english.
  16. Last na election na bumoto ako – Snap Election pa yun, Marcos vs.Cory.
  17. Sobrang nami-miss ko na ang magkakambal kong ATE na parehong nasa heaven na.
  18. Kung may gusto akong i-magic sa mukha ko na mawala – yung undereye dark circles ko.
  19. Ultimate dream ko pa rin ang maging homemaker slash housewife slash wife.
  20. Gusto ko sumakay ng helicopter kahit once lang.
  21. Napuntahan ko na ang dream city ko ang – Paris, France. Pero hindi ako pwede mamatay na hindi nakakapunta ng New York City o Japan.
  22. Mas marami akong panty na kulay itim at pula kesa ibang kulay.
  23. Minsan pa lang ako nakapagpa full make-up ng face sa bading sa buong buhay ko.
  24. Sa awa ni Lord, dalawang beses pa lang ako na-admit sa ospital – when I delivered my babies.
  25. Turn-off ako sa lalaking mahilig sa baril, mahahaba ang nails at kuntodo kung magsuot ng alahas sa katawan.
Related Posts with Thumbnails

8 comments

  1. andurilNo Gravatar says:

    wehhh mamaru ako c john llyod at ka threesome pa namin si bea alonzo hahhahh praning ako huhuh….. at saka sa last muh no.25 yap… nakakaturn off nga yan yan ang unang-una kong titingnan sa mga lalaki kuko nila sa kamay at paa… di bali nang di masyadong ka gwapohan as long as malinis ang kuko kasi pag pi-finger yun yaksss pag madumi hahhahhahhahha uu…

    [Reply]

    MaruNo Gravatar Reply:

    Waaaaa! Dinaig mo ko sa kahalayan! Shaks! Imagine, 3some!!!

    Langya! As in yung pagpipinger talaga ang inalala mo ha! Kunsabagay, baka nga naman matetano ka pag madumi ang kuko! Amp! Lol!

    Kinabog mo ko dito sa comment mo,bru! :D

    [Reply]

  2. sybilNo Gravatar says:

    idol, reho tayo… ayaw ko ng mahaba ang kuko, mega turn off pag may dumi pa… eeww… hindi ako mahilig sa horror movies kasi kalimitan hindi naman ako natatakot sa palabas nila, gusto ko pag tinakot ako, talagang matatakot ako as in pero kung may gulat factor lang dahil sa sound effects, ayaw ko non… at reho pa rin tayo, ayaw kong kumanta sa videoke chuva at parehong kaliwa ang paa kaya hindi mahilig sumayaw… post pa ikaw, nakakatuwa ang blog mo weh

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Pssst! idol ka ng idol diyan ha, para naman akong si April Boy Regino nyan! Haha! Oo, alam ko isa akong Josa (charing!) pero kol me MARU or Mamaru na lang, Sybil dear. Hahaha!

    Teka, hindi kaya separated by birth tayo? Mejo marami tayo ng similarities eh. Hindi kaya ikaw ang kapatid ko sa labas? Weeee! Kidding.

    Nways, maraming salamat talaga sa appreciation. Kinikilig fekfek ko pag naa-appreciate ang blag ko. Hahaha!

    [Reply]

  3. pidroNo Gravatar says:

    bakit walang “like” button ang wp 25/25 sana :)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    nyeeee! halatang adik ka na sa Facebook! Pag tamad mag comment eh click na lang the LIKE button. Hehehe!

    [Reply]

  4. blutin24No Gravatar says:

    na-miss ko ang website na to.. na-block kasi to sa office namin :( hehe!

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Susme! akala ko naman nanalo ka na sa Lotto kasi nawala ka. Hmmmn…bakit kaya nila block ang site ko? Kunsabagay…may kalaswaan din kasi talaga ang blogger na me ari ng sire na ‘to eh. Lol!

    well, nice to see u back here. Thank u.

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge