Si Kups, ang man op maylayp.
-
Mas maaga akong ipinanganak sa kanya ng apat na taon pero mas matured pananaw nya sa buhay kumpara sa akin.
-
Si Kups ay matangkad, maputi, mahaba. Kung ano man ang iniisip mo sa “mahaba” na yan, pwes, pareho tayo ng iniisip, ateng. Bashtos!
-
Grumadweyt sa San Sebastian College nung high school at San Beda College naman nung kolehiyo kaya mga bebot sa kalapit na school gaya ng College of Holy Spirit ang mga nakaka-chukchakan nya noong bagets pa sya. Love thy neighbor kasi motto nya sa buhay noon.
-
Naninirahan sa London ng mga higit kumulang 19 years na ngayon kaya kakaiba ang kulay at design ng passport nya sa passport ko. Oo, mas astig nga siguro ang passport nya pero mas shushal naman ang arrive ng passport ko. Siempre, I love my Pilipins! Bakit ba!
-
Natural na makulit. Sa murang edad na 5 taon, ginawa na ni Kups ang ganitong kakulitan sa kaedad at kalaro nyang babae, as in! Walang biro. At ang kalaro nya…nagpasilip naman! Bwahaha!
-
Unang nagkakilala kami way back 2004 pa yata yun, sa Yahoo Chat. Kasabay nung pagka-tsugi ng mga user room sa Yahoo…we lost contact na rin.
-
Mga October 2009 lang ulit nag-krus ang landas namin sa Camfrog habang nagpapa-astigan kami sa pagsagot ng mga TRIVIA chenelyn dun sa chatroom. Nagka-kras ako. Kinausap ko. In-stalk ko. Sinuyo ko. Niligawan ko. Tinakot ko. At nung nasa Italy ako (November 10, 2009), ayun….sa awa ni Lord, sinagot naman ako!
-
Gaya ko, Kups is a single parent with 2 tween-age daughters. So pag natuloy mga plans namin sa mga darating na araw, then I’ll be a mom of four and a wife to one! O’ ha! Ganda ba pakinggan? Lol!
-
My Kups is emotionally, psychologically and financially stable man. Bukod sa madiskarte sa buhay, I salute Kups humility, napaka-down to earth ng kumag na ‘to…walang ka ere-ere sa ulo. Hays…buti na lang, kasi allergic talaga ako sa kapwa ko mayabang. Lol!
-
Si Kups, magaling magluto, marunong mamalantsa. <— dalawang katangian hinahanap ko sa isang lalaki. Magandang palatandaan na pwedeng anderin. Ayus!






Hanggaleng naman, mamaru. Maid este made por itch Oder talaga kayo. Anhaba ng hairlalush ni kups. Hehehe.
Kakatuwa talaga blog mo. Parang nanood lang ako ng episode ni mr.bean. Waha. Post ka pa ng marami.
[Reply]
MARU
Reply:
February 21st, 2010 at 6:42 pm
Haynaku! Kulang pa nga ang mga chika ko na yan tungkol kay Kups. Nagpipigil lang ako kasi baka tuktukan ako nun sa ulo pag masyado ko na inilaladlad sa publiko ang tungkol sa kanya. Lol!
[Reply]
kaka inspire naman. kilalang kilala na. hahaha
[Reply]
MARU
Reply:
February 22nd, 2010 at 8:58 am
at alam mo bang alam na alam ko na kung nasaan ang mahiwagang nunal nya?
[Reply]
2 thumbs up ako sa Kups mo
[Reply]
MARU
Reply:
February 22nd, 2010 at 10:23 pm
Salamat bossing, ibig sabihin nyan eh … boto ka sa kanya?!.
[Reply]
gusto ko lang malaman mo na masaya ako na kumukutikutitap ang iyong lablayp ngayon goddess.
go for the gold!
[Reply]
MARU
Reply:
February 22nd, 2010 at 10:27 pm
Jojiepie, dapat talaga kunin na akong endorser ng HAPEE toothpaste. Mas mabibigyan ko yata ng justice ang produkto nila sa sobrang kutitap ng mga ngiti ko sa ngayon. Achuhu!
“go for the gold” —- Nyahaha! Hindi naman kaya ako magmukhang gold-digger nyan?
[Reply]
ramdam ko ang kilig mo! hehe
[Reply]
MARU
Reply:
February 22nd, 2010 at 10:31 pm
MAR ROXAS….isdatchu? Hahaha!
Salamat na rin sa pagpaparamdam mo. At totoo ka,sister… kilig na kilig nga ako…hanggang wekwek. Bwahahaha!
[Reply]
hi, thanks for this post. wishing you a good day, and more blessings to come.
[Reply]