
Napansin nyo ba na pagdating sa mga love songs…mas maraming kanta ang nako-compose tungkol sa mga warak-warak na pag-ibig o kaya tungkol sa mga durog-durog na puso?
Kadalasan ang meaning ng kanta ay tungkol sa kung paano ka naging proud sa pagiging tanga o martir mo sa iyong minamahal, kung paano ka naglaway na lang dun sa labidabs mong pagma-may ari na pala ng iba ang puso, etsetera, etsetera!
Eh kasi ganito yun (o ha! dunong-dunungan ang lola). Ang totoo nyan ay mas madali kasi mag-compose ng kanta, tula, o story pag heartbroken ka o kaya depres-depresan ang mood mo. Pag mas todo-emote o senti ka, mas maganda!
Parang blogging din yan. Ewan ko ba, mas madali akong makapag-blog pag medyo depress ako. Or maybe it’s just me. :(
Gaya ngayon, eto… kaya wala akong maisip na mai-blog agad dahil sa HAPPY ako at hindi DEPRESS. Hehe! Ano ang konek?
Ibig kong sabihin, if for example you’re a song writer slash composer slash artist, when you’re happy, usually the last thing you want to do is sit down and grab a guitar. If you’re in happy mood, normally you want to go out and celebrate! But when you’re heartbroken, parang it makes sense to turn off the lights, mag-emote and go to the piano. Matindi ang arrive ng composition kasi nanggagaling talaga sa kasulok-sulukan ng puso eh. Definitely, heartbreak tends to be the more inspiring emotional state.
Eh parang ganun din sa blogging. Mas buhos ang loob mong magsulat pag mejo may kirot kang nararamdaman sa puso mo. Kaya pansinin mo minsan, pag ang blogger ay nai-inlab…andun yung napapabayaan na ang site nila at tuluyang inaabandona ang pagbo-blog. Pero dehins ko nilalahat ha?
Inaamin ko, masaya ako ngayon lalo na sa lablayp ko. Wala akong mai-reklamo kay Kups sa labs nya sa akin at sa pamilya ko. Such an extraordinary man indeed!
Pero – kahit madalas ay nasa alapaap ako ngayon, kahit medyo naba-blangko ang utak ko na parang akong bangag at high na high sa pagiging lab adik…hinding-hindi ko pwede pabayaan ‘tong blog ko! Alam mo ba kung bakit?
Kasi sayang ang datung eh! Wahaha!
Quote of the Day:
“For those passionately in love, the whole world seems to smile.” – David Myers
* * * * *