Repost lang po ‘to. Nai-blog ko na ‘to noon (dated April 27, 2007) dun sa Friendster blog ko na ngayon ay dedbol na. Naalala ko lang ‘tong entry na to dahil sa lintek na rotating brownout na nangyayari ngayon. Eh kasi naisip ko kawawa naman yung may mga naka-sched na wedding ngayon.
Enways, paumanhin sa naka-attach na piktyurs..at ang lalabo. Chipangga lang kasi ang selpon camera ko kahit noon pa.
Basahin!
Nasa kasalan ang beauty ko kahapon. First time din naimbitahan ang 16 year old son kong si Kevin na maging isa sa mga jr. groomsmen sa wedding kaya di ko pinalampas na hindi dumalo. Gusto ko siempre makita ang anak kong gwapings sa suot nyang barong tagalog. Di ako pala-attend sa kasal ng may kasal (di rin kasi ako iniimbita eh. Waah). Siguro mga 3rd time ko pa lang to na makapag attend sa buong buhay ko.
It was just a very simple church wedding of a very young couple who are in their early 20’s only. Buntis na kasi si bride at kahit parehong nag aaral pa yung mga bata eh pinagpasyahang ipakasal na lang kasi according to the mother of the bride…kakahiya naman daw sa congregation nila eh aktibo pa naman dun si father of the bride.
As i’ve said eh di ako gaano nakakapag attend sa mga ganitong seremonyas at mas
madalas eh kasalan sa sine at sa tv ang nasasaksihan ko na talaga namang ang gaganda dahil nga edited na ang mga eksena.
Sa totoo lang…di naman ganun ka-solemn ang pagpapakasal sa church gaya ng nakikita sa movie o tv, in fact ang daming bloopers na nangyayari. Gaya nung kahapon. Josko! Yung red carpet na nakalatag sa gitna kung saan rarampa yung mga sponsors, ang entourage at ang bride patungo sa altar eh lukot-lukot! Madulas yung floor tiles ng simbahan kaya pag hindi ka nag ingat sa paglakad mo at pag apak sa red carpet…eh malamang sesemplang ka. May mga kamuntik-muntikan ng madulas na mga ninang. At pagkamalas-malas ba naman eh nag brownout pa ng mga sampung beses siguro. Palpak pa ang generator ng simbahan. Biglang nawawalan ng audio ang wedding singer eh ganda pa naman ng boses nya at nung mga choices ng kanta.
At eto talaga ang tinawanan ko … dahil brownout nga, gumamit ang pari ng megaphone sa sermon nya. Hehehe! Kinakagat ko na nga lang dila ko para di ako mapabungisngis. Eh kasi ba naman… sa itsura nya eh akala mo namumuno sya ng isang rally sa mendiola. Hehehe. Haays, tapos dami pang bata na takbuhan ng takbuhan, nagkukulitan habang ongoing ang ceremony. Ang ingay. Hanubayan!
Nainip tuloy ako. Di ko rin naman masyado maintindihan ang sinasabi ni father kasi parang boses-kiki ang dating ng gamit nyang megaphone. Napansin ko tuloy yung suot ng isang ninong na nakaupo sa harapan ko. Amp! Kahapon lang yata nakapag suot ng barong si manong, eh kasi ba naman imbes na t-shirt ang isuot nyang undershirt sa see-thru nyang barong…eh nag sando ba naman! Kitang-kita yung malaki nyang tattoo sa braso at nagduda tuloy ako na baka isa siyang pusakal na naligaw lang dun sa simbahan.
Nways, after the kodakan moments sa church eh go na kami sa reception. Kasama ko yung dalawang kapitbahay ko na puro sponsors. Di kami nagkakalayo ng age ng dalawang desperate housewives kong neybors and in fact mas younger yung isa sa akin. Tinanong nila ako bakit di ako kinuhang sponsor. Isip ko, esmyusmi noh! Bagay na ba ang fez ko na maging ninang sa kasal? Di hamak naman na mas matured silang tingnan kesa sa akin. Eh parang di nga kami nagkakalayo ng age nung bride eh. Bwahehe! Sabi ko na lang na hindi ako kinuhang ninang kasi hindi naman ako mukhang madatung gaya nila. Joke!
Sus, di masarap food nila. Mas masarap pa nga yata kumain sa fastfood kesa dun sa hinanda nila. (hehe! Pintasan ba.) Pero gutom na ako kaya dedma ko na lang yung lasa.
Inaabangan ko yung portion kung saan ihahagis nung bride ng nakatalikod yung bokey of plawers nya dun sa kumpol ng mga single girls mag aabang din sa pagsalo. Bah! Single naman talaga ako so ano masama kung sasali ako dun sa kumpol na yun. Hehehe! kasehodang naka tube ako na dress eh plano ko talaga makikipag balyahan at makikipag tulakan ako dun sa ibang girls masalo ko lang yung bouquet. Malay mo eh ako na yung susunod na ikakasal pag nasalo ko. Awww! Asa pa ako!
Kaso kinalabit na ako ng dalawang desperate housewives kong neybors… uwi na daw kami. Di na ako umangal kasi dyahi…nakikisakay lang ako sa car nila. Ayoko naman din magpa iwan dun mag isa. Tsaka wala akong dalang pera pang taxi. Kaya ayun, biglang baboosh kami sa newlywed.





