Mga Pers Taym Sa Lablayp Ko

Ang sabi sa Wikipedia ang overall life expectancy ng mga tao sa Pilipinas ay nasa 71.7 years. At ang dagdag na chuva pa dun, ang life expectancy at birth daw ng isang pinoy ay nasa 69.5 years at ang pinay naman ay aabot ng 73.9 years. Bongga! Mas lamang ang mga girls ha!

Kunsabagay, hindi naman yan nakaka-shock kasi mas pasaway naman talaga ang mga lalaki kaya naman may-i-sundo na agad sila ni Lord.

Tama nga si Kups, mas mahaba nga ang buhay ng mga babae kesa mga lalaki. Dahil daw yun sa kunsumisyon sa aming mga babae kaya napapadali buhay nilang mga lalaki. Ows? Me ganung factor?

At kahit hindi ako maglabas ng kalkyuleytor ko…sobra-sobra na sa kalahati ng overall life expectancy ang nagugol ko dito sa mundo. Kunsabagay, pag nag look back ako, medyo madami na nga rin akong napagdaanan sa layp ko. Pero wag ka, kahit umabot ako sa edad ko na ‘to…na-realize ko marami pa rin pala akong mga PERS TAYM lalo na sa LABLAYP ko ngayon.

Ang mga PERS TAYM sa Lablayp ko:

  • Single mom ako for 19 years na pero PERS TAYM na nangyari that someone is truly taking CARE (in its real sense of the word) of me and my kids. May nag-aasikaso na sa halos lahat ng needs and wants namin.

  • PERS TAYM na hindi ako nag alala lalo na sa financial na aspeto. At ang sarap sa pakiramdam that there’s already a guy na masasabi kong who is truly man enough to provide us sa needs namin EVEN IF NOT ASKED. Sa madaling salita – may binigay na si Lord na in-charge sa amin at may bossing na ako dito sa lupa.
  • With all due respect dun sa mga naging EXs ko (take note, plurals!) pero PERS TAYM ko ang naramdaman ng todo-todo without preno na minahal talaga ako ng isang lalaki. Nirespeto ang pagka-birhen ang buong pagkababae ko, ang pagiging ina ko, at ang mga anak ko, yung tinanggap ako ng buong-buo kahit ganda lang ang meron ako.

Continue reading