Ang sabi sa Wikipedia ang overall life expectancy ng mga tao sa Pilipinas ay nasa 71.7 years. At ang dagdag na chuva pa dun, ang life expectancy at birth daw ng isang pinoy ay nasa 69.5 years at ang pinay naman ay aabot ng 73.9 years. Bongga! Mas lamang ang mga girls ha!
Kunsabagay, hindi naman yan nakaka-shock kasi mas pasaway naman talaga ang mga lalaki kaya naman may-i-sundo na agad sila ni Lord.
Tama nga si Kups, mas mahaba nga ang buhay ng mga babae kesa mga lalaki. Dahil daw yun sa kunsumisyon sa aming mga babae kaya napapadali buhay nilang mga lalaki. Ows? Me ganung factor?
At kahit hindi ako maglabas ng kalkyuleytor ko…sobra-sobra na sa kalahati ng overall life expectancy ang nagugol ko dito sa mundo. Kunsabagay, pag nag look back ako, medyo madami na nga rin akong napagdaanan sa layp ko. Pero wag ka, kahit umabot ako sa edad ko na ‘to…na-realize ko marami pa rin pala akong mga PERS TAYM lalo na sa LABLAYP ko ngayon.
Ang mga PERS TAYM sa Lablayp ko:
-
PERS TAYM na hindi ako nag alala lalo na sa financial na aspeto. At ang sarap sa pakiramdam that there’s already a guy na masasabi kong who is truly man enough to provide us sa needs namin EVEN IF NOT ASKED. Sa madaling salita – may binigay na si Lord na in-charge sa amin at may bossing na ako dito sa lupa.
-
With all due respect dun sa mga naging EXs ko (take note, plurals!) pero PERS TAYM ko ang naramdaman ng todo-todo without preno na minahal talaga ako ng isang lalaki. Nirespeto ang pagka-birhen ang buong pagkababae ko, ang pagiging ina ko, at ang mga anak ko, yung tinanggap ako ng buong-buo kahit ganda lang ang meron ako.
-
PERS TAYM ako nag-wori sa isang lalaki! Nasabi ko na dati, ako yung tao na kung maiiwasan ay ayaw na ayaw ko mag-wori kasi para iwas-ringkols sa fez. Pero nung na-ospital si Kups last December 2009, mula ulo hanggang talampakan ang pag aalala ko na halos pakiramdam ko eh may naligaw na meteor galing kalawakan at tinamaan ako. Aruuu! Exajs ba?
-
May mga naging online bf na rin ako dati, pero PERS TAYM na may nag interest na kausapin ang mga anak ko at talagang nag-effort na mapalapit sa kanila. Kaya naman, KUDOS to Kups. Yur da man talaga!
-
PERS TAYM ko na-experience ang makatanggap ng marriage proposal na talagang seryosohan ha. At talagang PERS TAYM din na sineryoso ko ang alok. Lol! Pero hindi sya yung usual na “will u marry me” chuva-chuchu. Enways, nag YES ang lola nyo with matching matinis na tili na parang si Matutina.
-
PERS TAYM na may nag-insist na lalaki na dadayo dito sa kuta na pinamumugaran ko ngayon. Yung talagang namilit at nangulit talaga! Ilang beses din kaming nagtalo ni Kups kasi ayaw na ayaw ko sila (with his doters) na pumunta dito sa Iligan. Dahil sa totoo lang, hindi ako sanay tumanggap ng bisita dito sa bahay at nasa-shy ako.
-
Last but not the least, PERS TAYM na tumino ako. Bwahaha! Matino na ako sa lagay na ‘to ha. Seryos, para bang bigla akong naging tao. Naging mahinahon. Lol! PERS TAYM ko naging kampante ang loob. Magaan ang pakiramdam ko sa lablayp ko ngayon at wala masyadong stress. Talagang sekyurd na sekyurd ang feeling ko sa Kups ko. Heynaku! I’m such a lucky bitch…maybe because I’m the best bitch in my town. Tenkyu Lord! Nyahaha!
Alam ko hindi lang yan ang mga PERS TAYM na mangyayari sa buhay ko mula ngayon. Kumbaga, umpisa pa lang yan at marami pa ang mangyayari sa second half ng life journey ko. Nasabi ko yan dahil sa ibang level na talaga ‘tong pinasukan kong relasyon. Hindi na ‘to just-just (basta-basta) lang.
Sa mga nagbabasa lagi ng blog ko, sana andiyan pa rin kayo at samahan nyo pa rin ako sa pagle-level up ng layp ko. Whoa! Nangangamoy Oscar Awards Night na nga! Nakerid-away ang lola nyo. Dramang-drama!






no comment ako syo ms.maru,,,i love u…keep up d good work & go 4 d gold,,gudluck & god bless u.
[Reply]
MARU
Reply:
March 6th, 2010 at 10:45 pm
Hi Aries, so nice of you to say that. Wanna thank you for taking time to drop by and to comment. God bless you too.
[Reply]
Bongga! Mas lamang ang mga girls ha! – So, pano yong in betweens na gaya ko? I-average? hehehe
anyway, congrats sa nag-aalaga seu hehehe, pag me sobra tapon mo saken
[Reply]
MARU
Reply:
March 7th, 2010 at 7:42 am
Ateng Reyna, salamat. Ang alam ko lang ay mahahaba ang buhay ng mga uragon dahil sa sili. Pero wag mo na itanong kung ano ang konek dun dahil hindi ko rin alam. Hehe!
Nga pala, ikaw…may na-multiple choice ka na ba sa sandamakmak na boylets mo? Abah! Wag masyado petiks ha, at alalahanin mo baka magsara ang pwerta at malusaw ang mga matris natin jan! Lol!
[Reply]
Maru i told you i am ur invisible follower..LOL..but im happy for you..i know hangtud na sa hangtud…God is GOOD!!!
[Reply]
MARU
Reply:
March 7th, 2010 at 7:43 am
Dear, ramdam kita lagi. Pag nangangamoy gatas sa blog ko…alam ko na may pumasok na taga-Alaska. Hehe! Hinaut unta na hangtud sa hangtud na kini, langga. Yeah, God is good always.
[Reply]
Peax, may kakambal ba sa Kups mo? Introduce mo naman sa kin…hehehe…
[Reply]
MARU
Reply:
March 7th, 2010 at 7:47 am
Irene? Ikaw ba ‘to? Whoaaa! Tats naman ako at andito ka sa blog ko. Haynaku, walang kambal ang Kups ko…dahil kung meron, aakitin ko pa rin. Haha! Swapang ko.
Thank u sis!
[Reply]
ang tarush mo talaga, mamaru… madaming EX’s… ndi lang tripol x… ahihihi
i hope maging ok talaga ang relationship nyo ni papa kups… na ndi lang pers taym that he’d love you but all the time… go go galore… be happy always! at ambunan mo kami ng happiness! hehehe
[Reply]
MARU
Reply:
March 7th, 2010 at 12:40 pm
Ayus sa comment, baklang-bakla! Lol! Yaan mo pag pinabayaan ako ni Kups eh mura-murahin ko sya dito sa blog ko. Wahaha! Kidding.
Magre-repack ako ng happiness at ipamumudmod ko sa buong bayan. Lol!
[Reply]
Hahahaha.. I’m so happy for you mamaru! All the best! You deserve it!
.-= Joh´s last blog ..Hale =-.
[Reply]
‘daaaay!!! sobrang happy ng lovelife mo! you deserve it ‘daaay!
[Reply]