Apat

3-10-2010 1-59-16 PM

Uyyy! Four months na kami ng jowa ko. Hehehe! Parang big deal ano? Eh kasi naman, sa sobrang layo namin ni Kups sa isa’t isa eh ang hirap din kaya minsan ng sitwasyon namin. Buti na lang talaga at naimbento ang Skype.

Sabi nga nila, mataas ang mortality rate ng mga LDR (long-distance relationship), kaya dapat lang na matuwa kami noh, kahit papano going strong pa rin naman kami. Di bale, ilang buwan na lang naman din at magkikita-kits na rin kami ni Kups. Matitikman ko na rin sya! Yey! At usapan namin, lagi akong nakahalukipkip sa tabi nya. Ayayayyy!

Hapi Bertdey, Kolgerl!

Bertdey ngayon ng pamangkin kong pers taym na nagbanat ng buto sa pamamagitan ng pamamasukan bilang call center agent sa Makati.

Kaya naman…hindi ako magtataka kung nagmumura ang mga eyebags nya sa ngayon kahit dito sa piktyur nya na nadikwat ko. Pero pansamantala lang naman ang pagiging kolgerl nya at itutuloy din nya sa darating na June ang pag-aaral sa kurso nyang Medisina.

Tweet, HAPI BERTDEY! Miss na miss ka na namin dito sa Iligan.

P.S.

Kung nagbabasa ka ng blogtsina ko….nakikibati na rin si Kups, hapi bertdey daw.