Esep-Esep 3

  • Tapos na school ng mga bagets ko. Kaya maaga ang umpisa ng summer para sa amin. Ayus!
  • Katatapos lang ng paglalagay ng tiles, fittings and fixtures sa CR # 1 namin dito sa bahay at inuumpisahan na rin ang improvement sa CR # 2 sa kwarto ko. Parehong project ni Kups. Ang bait.
  • Umaasenso na nga ang Mindanao. Imbes na dalawang oras lang ang rotating brownout, ngayon ay tatlong oras na. Ang saya!
  • Apat na araw ng wala akong computer. Nakiki-ekstra…nakikisingit lang ako sa pc ng mga bagets ko. Kelangan maipadala na ang HP mini ko sa service center. Nakakapikon.
  • Kras ko si Coco Martin. Kaso panay ang english nya saTwitter…ok lang sana yun – yun ay kung tama ang pag i-english nya. Desidido na ako. Sa acting ko na lang sya kras.
  • Gusto ko magkaroon ng bagong doll shoes. Yung red! Opsss! Teka, gold color na lang.
  • Nakita ni Kups ang butas kong panty kanina. Eweno ngayon? Presko naman!
  • Mahigit isang taon na akong hindi nakakapasaok ng sinehan. Ni hindi ko matandaan kung ano ang huling pelikula ang napanood ko sa loob ng sinehan. Tsk tsk tsk!
  • Nagsasawa na ako sa layout/template ng blog ko.
  • Bakit kelangan puro mga batang mahihirap ang nasa bagong tv campaign ad ni Manny Villar? Hindi ba pwede isama nya yung mga batang mukhang anak ng mga mayayaman para maiba naman?
  • Miss ko na lumamon ng Shakey’s thin crust pizza.
  • Pagod na ako sa ganda ko.

oOo

Related Posts with Thumbnails

5 comments

  1. sybilNo Gravatar says:

    mamaru, wala kang kupas! ang tarush! pagod na sa sariling gandi… ahihihi :p

    na-miss ko maging estudyante, me summer vacation… hindi na ata uso ang bakasyon sa kin weh… huhuhu…

    kakasawa na ads ni villar – too pretentious for my taste. alam na nating galing sya sa mahirap na yumaman, etc. nuff said. move on.

    i miss shakey’s, too… magpa-pizza ka… waha… fc (feeling close) ako… :p

    happy weekend, mamaru!

    [Reply]

  2. MARUNo Gravatar says:

    Ateng, kung hindi ka na estudyante, derpor working girl ka na. At pag working girl ka na…derpor may datung ka na. Kung ganun, magpa pizzaaaaaaa ka na! Libre mo ko. :(

    Enjoy ur weekend, sisterette!

    [Reply]

  3. Ceb2AkNo Gravatar says:

    Buti na lang wala ako dyan sa election natin…lam mo bang once lang ako naka vote…nong 18 ako d ako nag register kc ang init at haba ng pila,i think last was 23..hahaha…ako miss ko Jabe (Jollibee ) wala kc d2 sa Alaska..takot c Jabe bka ma freeze cya..hihihi

    [Reply]

  4. JohNo Gravatar says:

    waaahhhh.. mamaru! baket ang sama mo.. walang banggitan ng food lalo na pizza pag me nagpapaseksi.. ako yun.. hehehe.. nice blog again.. I like the last part.. yan ang punchline!
    .-= Joh´s last blog ..Hale =-.

    [Reply]

  5. Kakapagod talaga maging maganda. Kahit pagiging gwapo kaka pagod. Kaya ako ang sigla-sigla ko! :D

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

CommentLuv badge