Ako Naman

Naalala ko may naging blog entry ako noon na ang title ay AKO NA LANG ULIT.

I-tsinika ko dun ang isang eksena na nangyari  sa past lablayp ko. Ewan ko rin kung naalala nyo yung local movie na “One More Chance”na ipinalabas noong 2007.

Pamilyar ba kayo sa linyang ‘to:

“Ang totoo hanggang ngayon umaasa pa rin ako na sabihin mong ako pa rin…ako na lang…ako na lang ulit. . .” -Bea Alonzo (from the movie, ONE MORE CHANCE)

Eto yung trailer ng movie….

[youtube]http://www.youtube.com/watch?v=FSRnPr4-a_0[/youtube]

Well, sabi nga ni Kuya Kim Atienza…”ang buhay ay weder-weder lang.” Meaning, paiba-iba. Tsaka, parang gulong talaga ang takbo ng buhay…paikot-ikot ang mga pangyayari at kadalasan ay  paulit-ulit lang ang mga eksena.

Hindi ko akalain na mangyayari ulit ang PARANG ganun na eksena ng pelikula, this time hindi nga lang sa buhay ko kundi kay Kups na.

Just like any normal couple na nagmamahalan, may mga pinagdadaanan din kaming trials ni Kups ngayon sa relasyon namin. Pero wala kaming away ni Kups ngayon at sa awa ni Lord – bihira lang kami magkatampuhan o mag-away. Kung may pinagdadaanan man kami ngayon na problema…wala at hindi sa amin ang problema.

Continue reading