Walang Iwanan

Ilang beses ko na rin sinabi ang ganito sa mga pag-uusap natin. Ilang beses ko na rin itinext sa ‘yo na magpakatatag ka.

Ngayon, idadaan ko na lang ulit sa kanta ang mensahe ko.

“Keep holding on
‘Cause you know we’ll make it through, we’ll make it through
Just stay strong..”

Sa mga pinagdadaanan mo ngayon, alam ko literally mahina ang puso mo sa mga sama ng loob ng mga nakapalibot sa yo lalo na kung sila ay mahal mo sa buhay. Sa layo natin sa isa’t isa, inutil ako sa ngayon para damayan ka at alagaan. Pero sana huwag ka magtatagal diyan sa loob ng ospital. Hindi ka bagay diyan, huwag kang mamihasa sa pabalik-balik diyan kahit libre at sana huwag mong gawing bahay yan.

Alam kong kahit buo na ang desisyon mo, naiintinidhan ko na inaatake ka pa rin ng panghihina ng loob. Minsan parang nasusundot na nga rin ako ng panghihina pero isip-isip ko…hindi pwede ang ganito. Kelangan isa sa atin ang maging atapang a-tao! Kaya asahan mong hindi ako magwawagayway ng puting bandila. Gaya ng pinagkasunduan natin – walang iwanan! Kapit-bayag este kapit-bisig tayo at walang titiwalag sa hanay! Kasehodang pagdadamputin tayo ng mga anti-riot police! Makibaka! Huwag matakot!  Hehehe! Taena, biglang naging protesta ng aktibista ang tono ko.

Heniways, magpagaling ka, mahal ko. Hihintayin ko ang paglabas mo. Magpalakas ka at madami pa tayong gagawin sa buhay.

oOo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.