Hindi Po Nagpatuli

Kahit gaano katibay o kasaya ang isang relasyon, hindi talaga maiwasan na may manaka-naka at pabugso-bugsong problema na dumarating minsan.

Para sa isang katulad ko na hindi masyado nasanay ang sarili na mag-alala, pag nasusubukan talaga ng pagkakataon…talaga naman… henaku! ang hirapppppp! Basta hindi ako mapakali at pakiramdam ko natatae ako lagi. Nyemas!


Katatawag lang kanina ng panakaw ng man op maylap sa akin. Nga pala, gusto ko lang itanggi ang katanungan na kaya ba daw nasa ospital si Kups ay para magpatuli?

Susme! Hindi po! Nasa ospital sya dahil nanikip dibdib nya last Friday  at hindi pa pinalalabas ng doktor dahil hindi pa rin bumababa ang BP nya ’til now.

Juice ko, nadudurog ang hart ko habang nakikinig sa kanya sa kabilang linya. Sa boses pa lang akala mo eh kagigising lang nya mula sa after 48 years na pagtulog – ramdam ko sya na talagang may ouch pa syang dinadala sa dibdib nya dahil sa mga pangyayari last week.

Sa boses nya, iisipin mong tumatawag sya galing sa ilalim ng septic tank. Hmnn.. hindi naman ganun kabaho pero ganun kalalim ang dating ng voice nya sa akin! Hehehe! Hays…pinatatawa ko na lang sarili ko.

Ang man op may layp, hindi na nga mabuti ang nararamd aman pero inuna pa rin tinanong ang kalagayan ko at kung kumusta na daw ang mga junakis ko. Paano mo naman hindi mamahalin ang ganyang klase na jowa? Lukaret o bugok na lang talaga na babae ang hindi magpapakatino at hindi makaka-appreciate sa lalaking ganyan.  Sana…sana nga  gumaling na sya kasi…

Aymishimsomats! šŸ™

 

oOo

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.