Ipinanganak ako sa Samar at lumaki sa kabisayaan at Mindanao. Pero wala kaming lahing bisaya dahil ang mga ninuno ko pati na rin magulang ko ay purong-tagalog. Galing Cavite si Padir at galing Quezon province naman si Madir. Kumbaga, immigrants lang kami sa Samar at Mindanao.
Kahit laking-waray at bisaya ako, hindi naman ako hirap magsalita ng tagalog dahil noong nabubuhay pa ang mga parents ko, tagalog kung kausapin kami sa bahay. Maalala ko noong elementary pa ako, dinadayo pa nga kami ng mga estudyante doon sa bahay namin sa Samar para lang magpa-coach sa Tatay ko kung paano ang tamang pagbigkas ng tula at pakikipag-balagtasan dahil matatas talaga managalog si Padir.
Ang sabi nila, wala naman daw akong puntong-bisaya pag nagtatagalog. Pero may problema ako. Pagdating naman englisan, afraid si Mamaru magsalita ng english. Lumalabas ang puntong-bisaya ko sa pag i-englis.









