Minsan

screenshot_83

  • Minsan nagtataka ako, sinisimplehan ko na nga lang ang mga ambisyon ko sa buhay pero bakit ganun lumalabas pa rin na napaka-kumplikado ng mga sitwasyon. Malas ba ako? Kung titingnan mo naman ang wetpaks ko, maputi sya, may hati sa gitna, wala naman akong balat sa pwet. Pero bakit parang lagi na lang ako inaalat sa buhay? Hindi kaya kinakarma ako? Nyay!
  • Minsan wish ko alayb pa si madir ko ngayon. Sayang hindi kami nabigyan ng chance na magka bonding ng todo nung alayb pa sya. Gusto ko sana ma-experience yung may natatakbuhan na nanay para pagsumbungan ng problema, yung hindi ako mahihiya na magsalubong man ang luha at uhog ko sa kaiiyak sa harapan nya.
  • Minsan gusto ko magkaroon ng bespren na may katawang-tao. Yung pwede ako hawakan sa kamay, akapin o tapikin. Sa ngayon kasi, ang bespren ko ay hindi tao, hindi hayop. Itago na lang natin sya sa pangalan na – GOOGLE.
  • Minsan gusto kong maging zombie ng kahit isang buwan. Yung walang pakiramdam. Yung walang pakialam. Manhid. Deadma. Bato. Gusto ko pa kasing mabuhay ng medyo matagal.
  • Minsan wish ko na walang nagbabasa netong blog ko. Yung ako lang ang andito, ako lang ang nagbabasa sa mga kadramahan ko at kalandian ko. Yung pwede ko ibuhos ng walang pakundangan ang lahat-lahat ng saloobin ko, lahat ng kabastusan ko, lahat ng kasamaan ng ugali ko, lahat ng hinanakit ko sa isang tao, sa pamilya ko sa kapitbahay ko, sa mga anak ko pati na ang mga kinatatakutan ko sa buhay gaya ng daga, horror movies, blah blah blah. Yun bang na hindi ako mag-aalala na baka mabasa ni ganito ni ganun. Yung pwede ako magmura ng magmura. Putangina! Ang sarap siguro anoh?! Kaso hindi ko na pwede gawing pribado ang blog na ‘to at magagalit sa akin ang datung. lol!
  • Minsan nakakawalang gana huminga o magkikilos lalo na pag may nararamdaman kang mabigat sa dibdib (hindi po bubs ko ang tinutukoy ko). Lalo na pag ikaw ang parang nasisising may kasalanan sa mga pangyayari na hindi mo naman ginusto.
  • Minsan naman iniisip ko baka nagugutom lang ako kaya bwiset na bwiset ang tono ng blog ko ngayon. Makakain na nga!

8 thoughts on “Minsan

  1. Kung may eroplano lang ako pinuntahan na kita e….. But I can be there in thought and in spirit! Cheer up! Everythings going to be ok! 😀

    These things I warmly wish for you Someone to love, some work to do, A bit o’ sun, a bit o’ cheer, And a guardian angel always near
    .-= callcenterguy´s last blog ..A Mothers Love Knows No Boundary.Or Shame =-.

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    May eroplano ako dito, gusto mo ako na lang pumunta diyan? Lol! Waaaa! Takot ako sa mga ispiritu. Wag kang ganyan!

    Dennis, tenkyu ulit for always being here.

    [Reply]

  2. I feel for you sister! we are on the same page now…i completely emphatize with you…you said every word that i wanted to say but can’t… 🙁

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hmmmn…Hannia dear, care to share? Chat naman tau minsan sa FB. Hindi kita matyempuhan eh. Miss u, dear.

    [Reply]

  3. mamaru, minsan talaga ganyan. isipin mo na lang kung walang challenge ang buhay mo, amboring non. pano mate-test ang strength mo kung walang exercise? kaya mo yan. ikaw pa. you’ve survived almost everything – napalaki mo ng maayos ang mga junakis mo, hindi ka nagpatalo kay ondoy (saw your pictures then), brownout sa summer, etc etc… hindi man tayo magkakilala, hindi pa man tayo nagkikita, please remember na maraming nagke care sa yo. ako at ang iba mo pang fans na nagkalat sa blogosphere. go go go lang, sister, at tayo din naman magkikita-kita sa finals :p

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Pag nakakabasa ka ba naman ng mga ganitong words or encouragement…talagang nakakagana pa rin kahit papano ang mag blog. Buti na lang hindi tayo magkakilala personally kasi baka mailibre kita ng pizza. Hehe! Maraming salamat, ateng. Pero ayoko muna umabot sa finals at mag-aasawa pa ako. Weeeee!

    [Reply]

  4. Hi Hot Momma. well, kuntento na ko magbasa sa site mo at wala talagang planu magsulat. pero di ako makatiis hahaha… anyway, idagdag mo na ko sa mga taong humahanga sayo. magaling ka magsulat nakaka inspire at perspire at the same time lolz….lalu na sa mga pics na pinakita mo. daleng daleng mo talaga….

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *