Mahigit isang buwan din kami ni Keziah sa Manila para maki-join sa mga pipol dun sa pagse-selebreyt ng El Nino phenomenon. Hehehe!
Astig talaga ang init ng nagdaang summer! Walang araw na hindi pinagpapawisan ang singit ko. Panay ngawa at reklamo ko kay Kups tungkol sa init ng panahon tuwing nagkakausap kami sa Skype.
Eniways, eto at nakabalik na kami sa kuta namin dito sa Mindanao. At tulad ng inaasahan ko…ang gulo at ang dumi ng bahay! Si Kevin ba naman ang naiwan.
Halos himatayin ako nang tiningnan ko ang dalawang hamper na nag-uumapaw ng maruruming damit ni Kevin. Mantakin mo ba naman na mahigit isang buwan syang nawalan ng labandera (ako yun!).
Hindi na ako nag eport na sermunan sya… kung bakit hindi man lang nya nagawang maglaba. Hindi na ako kumibo pa. Alam ko naman na wala rin mangyayari kung dadakdak pa ako. Maiingayan lang ako sa sarili kong boses, maririndi at baka sigawan ko pa sarili ko para shumat-ap!







