Piyesta Lagi

One thing I enjoy so much sa bakasyon namin dito sa kamaynilaan ngayong summer ay ang convenience ng Kups ko na busugin ako hindi lang ng pagmamahal nya (charot!) kundi literally busugin talaga ako ng mga food na ino-order nya via online at ipinapa-deliver nya dito sa bahay. Hindi ‘to magawa-gawa ni Kups pag nasa Iligan ako kasi walang online food deliveries sa Mindanao.

Last month, sampu ng mga ka-barangay ko na andito sa bahay sa Cainta, had a feast on Goldilocks food na nasa cater trays.

oOo

The other weekend, kami-kami lang ang naiwan dito sa bahay at out of the country si brader at si sistah ko.

Kups, fed us in cater trays with these (from Max’s delivery):

Dinekwat ko lang ang mga pics na yan sa website ng pinag-oorderan ni Kups. Hindi ko na nakodakan yung aktwal na idineliver sa amin kasi puro tom jones (gutom) na kami at laway na laway na.

oOo

Yesterday, plus 10,000 pogi-points na naman si H2B (husband-to-be) sa angkan ko dahil nalibre na naman ang hapunan namin. Kanya-kanya kaming dighay after we had feast of the following (again in cater trays):

As in laging todo-ngiti ang mga tao dito sa bahay ng brader ko tuwing may dumarating na delivery galing kay Kups. Parang may bertdey o piyesta lagi. Walang kiyeme na nagpapaka-busog. Pagkatapos lumamon habang himas-himas ang mga tiyan namin, tsaka lang maaalala at magrereklamo kung sa anong paraan kami magwawagi sa ambisyon namin na pagpapapayat ng wankata. Hehe!

Well, si Kups ko, hindi pa man nami-meet ng angkan ko personally  – MAHAL na MAHAL na nila! Bwahaha! Ang angkan ko talaga, ang daling suhulan! Daanin lang sa pagkain pwede ka na nila iboto as President ng Pilipinas! Hahaha!

To da man of maylap…thank you so much sa thoughtfulness. Mwah!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.