Paano Na Pag Nawala Ako?

Mahigit isang buwan din kami ni Keziah sa Manila para maki-join sa mga pipol dun sa pagse-selebreyt ng El Nino phenomenon. Hehehe!

Astig talaga ang init ng nagdaang summer! Walang araw na hindi pinagpapawisan ang singit ko. Panay ngawa at reklamo ko kay Kups tungkol sa init ng panahon tuwing nagkakausap kami sa Skype.

Eniways, eto at nakabalik na kami sa kuta namin dito sa Mindanao. At tulad ng inaasahan ko…ang gulo at ang dumi ng bahay! Si Kevin ba naman ang naiwan.

Halos himatayin ako nang tiningnan ko ang dalawang hamper na nag-uumapaw ng maruruming damit ni Kevin. Mantakin mo ba naman na mahigit isang buwan syang nawalan ng labandera (ako yun!).

Hindi na ako nag eport na sermunan sya… kung bakit hindi man lang nya nagawang maglaba. Hindi na ako kumibo pa. Alam ko naman na wala rin mangyayari kung dadakdak pa ako. Maiingayan lang ako sa sarili kong boses, maririndi at baka sigawan ko pa sarili ko para shumat-ap!

Ginugol ko ang nakaraang Sabado sa paglalaba. Ang cute kong pagod nung natapos ng mga 6pm. Kahapon…nagtutupi at nag aayos na ako ng mga nilabhan ko. Aysus, puro damit ni Kolokoy!

Habang nagtutupi…dami kong napansing shorts nya na butas na ang mga pundilyo. At dahil dakilang madir aketch…siempre tinahi ko na rin kahit asar ako. Pero medyo nakaramdam naman din ako ng awa nang makita ko ang shorts na ‘to…

DSC00363

Sira ang zipper!

Nag-eport naman ang bagets sa shorts nya para hindi masilipan ng betlogs, pero ang sagwa talaga tingnan ng diskarte nya.

DSC00364

Nakakatakot at baka pumalpak ang kapit ng perdible…eh matusok si manoy! Lol!

At eto pa, sandamakmak na brip ang mga nilabhan ko. Lately, puro kulay black and gray na ang mga binibili kong brip para sa unico hijo ko. Ayoko na ng puti at ako rin naman ang nahihirapan maglaba!

Nagtaka ako kung bakit may mga nakahalong puti na brips sa mga tinutupi ko! Ayayay! Siguro naubusan na talaga sya …kaya ginamit na nya yung mga luma na pangsalo sa betlogs nya!

Langya! Buti na lang hindi ko itinapon ‘tong mga “bacon brips” nya! At least napapakinabangan pa rin nya pala in times of walang-wala na talaga.

DSC00365

Hays…paano na lang pag wala ako o nawala ako ng tuluyan. Sino kaya ang aalilain pa ng mga bagets ko? Kaya Lord, dehins mo pa talaga ako pwedeng kunin. Hindi paaaaaaa! Peace!

5 thoughts on “Paano Na Pag Nawala Ako?

  1. hehe bait mong mommy mama maru. kung mama ko yan aba malamang more talak. di bale, konting years na lang, sana maging independent na si Kevin 🙂 retired ka na pagiging labandera 🙂
    .-= zaizai´s last blog ..Nagsasa =-.

    • Ewan ko ba, tamad akong tumalak. Hindi ko talaga trip ang nagging.

      Sana pag retire ko as labandera…with matching pension ang ibigay sa akin.

  2. Masarap tlg kpg bagets pah,lalo’t anjan si mudra^^!(parang si mamaru)!*hik..ganyan din ako noon,kya nk2relate me!peo now,ku pow!ako n lahat gumawa pti mgluto!waaa!nice mamaru!hail u mudra!^^

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.