
I dropped by kanina sa Mini Stop and picked a bottle of Gatorade na tig 29 petot. Inabot ko sa cashier ang P200 ko bilang bayad. Noong sinusuklian na nya ako, P170 lang ang ibinibigay nyang sukli sa akin imbes P171 sabay sabi ng:
Cashier: “Maam, ok lang ba sa inyo na kulang ng piso ang sukli ko?”
Ako: “Huh? Bakit?”
Cashier: “Wala po kasi akong piso, ok lang ba na kulang?”
Ako: “Hindi eh! Kelangan ko kasi yung piso.”
At tsaka lang kinalabit nung cashier ang katabi nyang cashier din at humiram ng piso sabay bigay sa akin ng kumpletong sukli.
Sa loob-loob ko gusto ko sabihan ang bruha ng, “Puday mo! Ayan, may piso naman pala eh!”
Hindi naman sa nagpapaka-istrikta ako, pero haleeer! PISO kaya yan! Hindi ba nya alam na sa halagang PISO ay pwede ng ipambili ng kausap yan? Lol!
Buti sana kung 25 centavos lang o yung mamera lang. Tsaka parang napakadali lang kasi sa kanya ang tenkyuhin yung piso eh. Di pwede yan sa akin at baka mamihasa.
Ganito rin kasi katwiran ko…
Unang-una, hindi tama na iso-shortchange ang kustomer. Asar din ako pag binibigyan na lang ako ng kendi pag kulang ang sukli na barya. Pagkaalam ko ipinagbabawal na ang ganun. Pero siguro mas mabuti na lang yung may kendi kesa naman sa wala talaga.
Pangalawa, kung nagkataon kaya na tig P31.00 yung Gatorade at P30.00 lang ang pera ko…tanggapin kaya nya yung ibabayad kong P30.00 sabay sabihan ko na rin ng, “Miss, pwede P30.00 na lang ‘tong Gatorade? Wala kasi akong piso.”
Sino pupusta? Kahit ipatapyas ko t*nggil ko, sigurado akong malabo pa sa imburnal na papayag ang cashier ng convenience store na yun.