Ngayon

  • Back to school na naman ang mga bagets ko. Balik alas-singko y media naman ang gising ko sa umaga. Sus, ngayon pa na tamad na tamad akong bumangon. Gusto ko maglublob sa bed ng medyo mahaba-habang oras. Pagkatapos ko magluto ng almusal, simula na ang pagtunganga ko ng buong araw. Nakatingin sa kung saan-saan pero parang wala naman akong nakikita.
  • TAMAD ang apelyido ko ngayon. Pati blog ko napapabayaan ko na. Kung makakabili nga lang ng motivation sa kanto eh baka nagpabili na ako. Hays…sana gabi na para meme na ako ulit.
  • Nakakatamaran ko na rin ang Twitter at Facebook ngayon. Hmmn…baka wala lang akong gana din.
  • Ang bilis ng panahon. Ka i-eighteen ko lang kahapon a. Ngayon, biglang 34 na agad ako? Weeeee! (Ang komontra, magkaka-pigsa sa dila!)
  • June na! Congrats sa mga June bride. At maraming goodluck! Swerte nyo.
  • Katatapos lang ng El Nino. At nagbabadya na ang pagsisimula ng La Nina ngayon. Kelan naman kaya ang La Bamba?
  • Parang trip ko magpakalbo ngayon. Tingin ko kasi, wala ng magsasabi sa akin ng…“ang haba naman ng hair mo, ‘day!
  • Weird ng feeling ko ngayon pag humaharap sa salamin. Dati tingin ko sa sarili ko..nanlilimahid ako sa ganda. Pero ngayon, nakakasawa na rin pala ang ganda ko. Echooos!
  • Holiday sa Lunes dahil selebrasyon ng Araw ng Kalayaan. Ano naman kaya gagawin ko sa Araw ng Kalayaan para maging memorable sa akin? Matulog ng buong araw? Pwedeee! Sa pagtulog kasi…doon mo lang minsan natitikman ang tunay na kalayaan.
  • May nahalungkat akong chaka na pic ko na ako mismo eh natakot. Taena! Para akong nadisgrasya, wasak ang mukha, nagpa-plastic surgery at naghihintay na lang sa doktor na alisin ang bandages sa fez ko. Lol!

oOo

Today’s Quote:

“Sometimes you have to push the reset button and start over. Don’t let your history stop your destiny!” – Unknown

9 thoughts on “Ngayon

  1. mamaru… wala ka pa ring kupas! hehehe… ang kulet weh… nawa ay ma-celebrate mo ng matiwasay ang araw ng kalayaan… niisip ko nga din kung papasok ako non… o magmumukmok na lang sa haus? magastos mag mall :p

    • Sybil, ano ka ba naman! Maong lang ang kumukupas noh! Pero si Mamaru…nevah! Ang angas ng lola mo.

      Para di masyado magastos…subukan mong magmukmok na lang dun sa mall. 😀

      • teh naman, bawal nakasimangot sa mall… baka pagligpitin ako ng mga plato don at paglinisin ng sahig… wiz ko type… tulugan ko na lang sila… :p

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.