Engot

Kararating ko lang ngayon galing sa Spa clinic. Nanlelembot kasi kanina ang pukiramdam ng lola nyo kaya napagpasiyahan na  magpa-body massage.  Pauwi na ako nang maisipan ko dumaan muna sa Jollibee para naman may bitbit akong lafang para sa mga bagets ko.

Mahaba ang pila kanina sa Jollibee kaya umupo muna ako nang mapansin ko ang suot-suot kong flip-flops.

Pukingina! #$%^%#@!!! Magkaiba ang naisuot kong tsinelas! Kaya pala may napansin akong mga pipol na napapatingin sa paa ko. Syet na malagkit! Akala ko pa naman nagagandahan sila sa legs ko at nakukyutan sila sa mga punggok kong mga paa! Har har har talaga!

Parehong kulay pink kasi ang tsinelas namin ni Keziah kaya hindi ko napansin agad. Tsinelas ni Keziah ang nasa kaliwa. Oo na! Maliit talaga ang paa ko. Obyus ba?

Haays…minus ganda points na naman si Mamaru dahil sa kaengotan.

oOo

Quote of the day:
“Laughing at our mistakes can lengthen our own life.Laughing at someone else’s can shorten it.” ~ Cullen Hightower

7 thoughts on “Engot

    • Kaya pala parang nakasakay sa barko ang kaliwa kong paa…hehehe! Ang luwag! Gusto ko tumawa ng malakas dun sa Jabi kaso mas nakakahiya naman kung tatawa akong mag-ISA.

      Nauso din minsan yung hindi magkaparehas ng kulay ang tsinelas. Ok na sana, kaso tong nangyari sa akin…sobrang halata na malaki yung kabila.

  1. Let’s look on the brighter side of the story – your legs looks perfect. lol. menus wan for the flip-flops, plus two for the legs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.