Nakakainis!

screenshot_60

Isa sa pinaka-ayaw ko talaga ay yung tumalak. Inglesin ko, I hate nagging! Pag inis o galit ako, mas pinipili kong tumahimik na lang kesa magdakdak kasi ayaw ko ng ingay. At siguro nga, para naman medyo maibsan ang asar na nararamdaman ko ngayon, mas mabuti pa siguro na dito na lang ako tatalak sa blog ko para walang ingay na marinig ang mga sangkot sa pagka badtrip ko. I really need to vent this out.

Naiinis kasi ako sa panganay ko!

Masarap na mahirap ang maging nanay o magulang. Masarap lalo na pag nakikita mo silang lumalaki. Mahirap dahil minsan may mga panahon na napipikon ako lalo na pag nababalewala at hindi nasusunod ang mga utos ko.

Nagmamadali akong umalis kaninang hapon para magpa-check up sa Ob-Gyne ko. Oppps! Hindi prenatal tsek-ap ang sadya ko dun. Just need to have may annual pap smear test.

Enways, naiwan dito sa bahay ang bagets kong lalaki at mga 3pm pa daw klase nya. Kabilin-bilinan ko sa kanya, iligpit ang sandamakmak na sinampay ko at baka umulan. Tsaka kako, paki-balik sa pwesto yung ginamit kong washing machine bago sya umalis ng bahay. Kelangan ko kasing magmadaling umalis ng bahay kanina.

Howel, umulan nga! Habang nasa clinic, kinutuban si Mamaru. Kinutuban akong naligo ulit ang mga pinaghirapan kong labhan na mga damit. Tinext ko ang bagets ko at nagtanong ako kung naipasok ang mga sinampay. Hindi nag reply. Ayun! Mas lalo tumindi ang hinala ko.

Pag uwi ko, tumpak nga ako! Basa ULIT lahat ng nilabhan kong damit! Ang katwiran ng panganay ko, kesyo nakatulog daw sya, kesyo wala ng time para iligpit ang mga sinampay kesyo papasok na sya sa school, kesyo nag-iwan na lang daw sya ng note sa bagets kong babae na kung pwede sya na lang ang magligpit, kesyo wala naman daw akong bilin na ibalik sa pwesto ang washing machine at marami pang kesyo! Kingina talaga! @#$%%#@*!!!!

Haaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaayyssss!!!!

Ang babaw ko dahil para sinampay lang eh nanggagalaiti na ako sa inis.

Dear Ate Charo, eh kasi naman, kapag binigay mo ang halos lahat ng energy mo at dedication  (dedication my ass!) para matapos ang lahat na labahin mo, nasa katwiran naman siguro ako para mainis ng todo, di vah? Mantakin mo, kelangan ko na naman ulitin ang pagbabanlaw dahil lang sa hindi nasunod ang simpleng utos o bilin ko! Imbes na nabawasan ang sandamakmak na gawaing-bahay ko ngayon parang nadagdagan pa! Kakafagod kaya!

Ah basta! Inis ako ngayon!

One thought on “Nakakainis!

  1. dahil dyan.. palu-in c kevin hahhahha uu… chillaz.. mama ru .. ang wrinkles kung malapit lang ako.. tutulongan kita… promise.. madali kasi akong mag laba… paa gamit ko hahhahha.. uu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.