Plantsa De-Uling

May hinahanap ako kahapon sa eBay nang madaanan ko ang piktyur na ‘to. Natigilan ako kasi parang bigla na lang ako nagka-second childhood memories ( ano daaaw?). Matagal na kasi akong hindi nakakita neto.

Sa Samar kung saan ako ipinanganak at nanirahan hanggang sampung taon, ganito ang plantsa namin sa bahay. Plantsa de-uling! Syet! Na-miss ko ang gamit na ‘to. Paano ko ba naman malilimutan ang tsura ng plantsa namin noon. Nakatoka kasi sa akin ang pag-aabang, ako ang taga-sutsot dun sa mamang dumadaan at naglalako ng uling. Kaya wag kayo magtaka kung sanay akong sumutsot ngayon ng mga kolboy sa daan. Nyahaha! Well, isang sako kung bumili kami noon ng uling.

Dahil bunso ako sa anak na babae, ako lagi ang nauutusan para maghanda ng mga gagamitin tuwing magpa-plantsa si Nanay o ang mga ate ko. Alam nyo bang buhay at tunay na likod ng kabayo ang gamit namin noon bilang ironing board? Oo! At siempre, tanga lang ang maniniwala sa sinabi kong ‘to. Mwehehe!

Mula sa pagsisiga hanggang sa magbaga ang uling sa loob ng plantsa hanggang sa paghagilap ng dahon  ng saging para isapin sa plantsa…naka-toka yan sa akin. Nilalagyan ng dahon ng saging bilang sapin ang patungan ng plantsa ay para maging madulas ang paghagod. Kaya naman amoy-bibingka ang mga plantsadong damit namin noon dahil sa dahon. Jooke!

Mabigat ang plantsang bakal na ‘to. Walang  pihitan para makontrol ang init. Talaga naman fagod na fagod ang mga ate ko noon pag namamalantsa at bawal sa kanila ang maligo o magbasa ng kamay pagkatapos at baka daw mapasma.

Hindi gaya ngayon na electric flat iron na ang gamit, medyo matagal at mabusisi ang preparasyon sa sistema ng pagpaplantsa noon. Malaking abala ‘to sa akin na laging atat na atat na maglaro sa labas ng bahay.

Pinakagusto ko lang noon ay yung tatawagin ako ulit para pahiran ng kandila ang buong plantsa bilang finale. Yun ay para hindi daw kalawangin ang bakal na plantsa.

Siguro may gumagamit pa rin ng ganitetch ngayon sa mga lugar na wala pang kuryente, sa mga bukid. Hindi ko lang alam kung may binebenta pang ganitong plantsa sa merkado. Parang wala na akong nakikita. Kung meron man, magkano naman kaya? One thousand petot ang benta neto sa eBay. Antique na kasi ‘to.

Alam ko na napaghahalata na ang edad ko sa entry na ‘to. Keber! Pero kayo, naabutan nyo ba ang ganitong gamit noon sa pagpa-plantsa? Sa susunod, isusulat ko naman yung tungkol sa pinaka-unang kompyuter namin noon na…de-uling din. Chooos!

Related Posts with Thumbnails

4 Comments

  1. Maru…naa mi ana sa Cebu..mao na among plansta hangtud highscol mi. Akong nanay mahadlok sa electric iron ky mo boto daw..hangtud karn naa japon ang among de uling na plansta…i think mga almost 50 years old na ky sa ako paman tong lola,asta among sewing machine..antique na kaau..hahaha i missed those though:)

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Hehehe! Pero in fairness talaga, maganda ang damit na plinantsa sa de-uling. Parang barbecue, mas masarap at malinamnam ang karneng inihaw sa uling, di ba?

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <strike> <strong>

CommentLuv badge