Esep-Esep 4

  • Hello Maruism! Miss me? My Gulay! ilang days lang ako nawala eh nilumot at inagiw na agad ang blag ko. Paano ba naman, akala ko kasi kasing-lakas ko si Wonder Woman at hindi nagkakasakit. Yun pala eh I realized, isang hamak na josa ng kagandahan, at isang mortal lang pala ako na tinatablan din ng trangkaso. Choos!
  • Ayoko pa sana bumangon kanina at gusto ko pang matulog kaso nang idinilat ko ang isang mata ko…namataan ko sa isang sulok ng kwarto na bumubulwak na ang hamper namin sa dami ng maduduming damit. Balak ko magpabili ng lang sana ng gasolina para silaban nalang sila para solb na problema ko. Sa madaling salita, pwersado na naman ako magpagaling.
  • Matamlay lablayp ko ngayon at mag-iisang linggo na akong hindi kinakausap ni Kups. Sa kung anong kadahilanan, sya lang ang tanging nakakaalam. Mahirap naman ang ipagduldulan ko na naman ang sarili ko kung wa nya feel na kibuin ako. Kaya gutay-gutay na naman ang puso ko. Hays…kaya siguro bumaba na naman ang immune system ko. May konek ba?
  • Buset na buset na naman ako sa mga kapitbahay ko. Palibhasa mga inggitera! Hmp! Pag nakabili ako ng pison…type ko sila sagasaan. Kairita!
  • Bungi-bungi na ang kuko ng mga kamay at paa ko. Nagmumura na sa kafal ang kyutikels ko. Isa lang ang ibig sabihin nyan. I badly need mani and pedi!
  • Ilang araw lang ako hindi aktibo sa cyberworld, pero parang namundok ako. Huling-huli na ako sa mga balita. Psst! ano na ba ang latest? Pak! Di ko na nabibisita ang fave porn sites ko. Lol! Nami-miss ko na rin si bespren Google ko.
  • Gusto ko kumain ng Red ribbon Cookies n’ Cream cake ngayon. Hello comfort food!

  • Balak ko magpakapagod ulit sa araw na ‘to…para wala na akong chance na magpaka-senti o mag emote pa. Pag pagod ang katawan, isa lang ang gugustuhin mo sa buhay – ang matulog.
  • Sana gabi na. Para meme na agad ako.
  • Ang Quote For Today ko : When I have a problem, i just sing. Then I realized my voice is worse than my problem 😉

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.