Bertdey Ni Kups

Mas espesyal pa sa espesyal na espasol ang araw na itu. Espesyal dahil nagbe-bertdey lang naman ang espesyal na lalaki sa buhay ni Mamaru.

Kaya move over Basyang! Tumabi-tabi ka muna dahil kung sa lakas din lang naman ang pag-uusapan, mala-bagyo din ang arrive ng sex appeal ng taong ‘to sa akin.

Bertdey ni Kuuupssss! Bertdey ng espesyal child! Hehe!

Tinext ko sya kanina para batiin.

MARU: “Hapi bday 2 u,u live in a zoo,u smel lyk a monkey,& u luk lyk one too.hehe! Smile,mahal!Sana eto ang araw ng pgccmula ng mas masayang buhay mo.labs n labs kta.”

At nag reply din naman si bertdey boy.

KUPS: “Tenkyu..tenkyu beri mats! I wud lyk 2 tenk barratts 4 my shoes, dimensions 4 my outfit, gillette 4 my personal shaver, and last but d least, i wud lyk 2 tenk myself for my natural scent n charisma. Tenk u beri mats! (Clapping)”

Taena! Parang bangag na agad si Kups. Gusto ko suplahin pero bertdey nya ngayon kaya hinayaan ko na.

0086

I am so blessed to share a relationship with you. Someone who accepts and loves me for who I am.
Thank you for being sensitive, understanding, loving and caring. Never would I have dared to dream of finding such a sensible, generous and thoughtful partner.

Thank you for you unshakable faith in me and your loyal support. Thank you for making me happy. Thank you for all the beautiful ways you express your love.

I love you.

P.S.

Are you a crystal ball? Cos I can see my future with you.

Nyahaha!

Gusto Nila Happy Ka

Ilang oras na lang at matutulog na ang fagod kong alindog. Pero bago ko sabihan ang sarili ko ng  “let’s kol it a day, ineng!” eh ano ba ang naging highlight ng Martes kong itetch na para bang ang bilis-bilis natapos. Hmmmn…kaninang umaga, pambungad ng araw ko ay eto – almusal na daing na danggit at pusit!

Sus, eto pa lang eh wagi na para sa akin ang Martes ko.

DanggitPusit

Pero sadyang siksik at liglig ang grasya sa araw na ‘to. Kasi eto talaga ang pinaka-highlight ng araw ko –

…ang “second” arrival ng 30-piece na dinnerware na binili ni Kups online para sa mala-josa nyang minamahal (ako yun! ako yun!).

COrelle2 Bakit naka-quote ang second? Eh kasi naman…ganito tsura nung box noong “first” delivery. O di vah, doble pa ang kahon. Para siguro sekyur.

DSC00590 Pero nung binuksan ko yung mismong kahon, eto ang nag eat bulaga suckin.

DSC00592_2 May basag! Dalawang bowl ang basag! #$%%#@*!!!

DSC00597_2Buti na lang may kalakip na love note.

DSC00603_2 Kaya naman tinumbong sinumbong ko agad kay Kups para makapag-email sa Amazon.com. Howel, mabilis din naman agad ang response nila. Tinugunan nila ang reklamo ni Kups sa pamamagitan ng…

corelle1 …another set of 30-piece set of Corelle!  Ang saya!

Bilib din talaga ako sa Amazon.com sa pangangalaga ng kustomer nila. Gusto talaga nila happy ka! Hehe! Same design of dinnerware ang pinadala. Parang bay wan teyk wan tuloy. Sey nyo? Paano nga ba naman hindi sasaya ang Martes ko?

Isip-isip ko, kung nagkataon na dito siguro binili ang set sa Pilipayns…’kingina! Baka abutin ng katakot-takot na proseso bago nila aksyonan ang reklamo ng kustomer. Malamang umabot pa sa supreme court ang kaso bago nila palitan ang item. Hehe! Exajs!

SMS Jokes 107

Gal1: ganda ng skirt mo, girl!
Gal2: sorpresa ng mister ko.
Gal1: san nabili?
Gal2: ewan…nakita ko na lang sa ilalim ng kama namin kaninang umaga!

oOo

Boy:  Nay, ayaw ko na po mag-aral.
Nanay: Bakit naman anak?
Boy: kasi po, narinig ko sa radyo may binaril daw na tao kasi marami raw siyang alam!

oOo

Dalawang OFW nagusap…
PARE1 – Pare, laki ng problema ko sa kumare mo
PARE2 – Ano ang nangyari?
PARE1 – May ibang lalaki sya, niloloko nya ako.
PARE2 – Ibig mong sabihin nalagyan ka ng ipot sa ulo?
PARE1 – Hindi lang un, Pare, marami nang naging lalaki si misis. Kaya di lang ipot ang linagay nya sa ulo ko, kundi inidoro!:-D

oOo

Reporter: “Mr. President, mukhang tahimik ngayon ang kapatid nyong Kris!”
Noynoy: “Di ka ba nakinig sa speech ko? Pinatigil ko na ang Wang Wang!”

oOo

Binay- Pina-tattoo ko pangalan ng GF ko sa dibdib ko!
Lapid- Wala naman pangalan ah! ‘1’ ang naka-tattoo!
Binay- Yun nga!
Lapid- Bakit, ano pangalan nya?
Binay- IZA!

oOo

Man: Before we get married, I want you to know my dick’s like a baby.
Girl: OK lang, love kita eh!

Sa honeymoon:

Girl: ‘Nay ko po! Anlaki! Akala ko parang baby!
Man: Parang baby, eight pounds, 3 ounces, twelve inches!

oOo

Reminders for P-Noy:

1. He who honors red traffic lights should know that his presidential vehicle No. 1 is number-coded on Mondays.
2. His new home is Bahay Pangarap. Dream on, P-Noy!

oOo

Jose: Pare, black eyes ka, anong nangyari?

Juan: Ganito yan: Sa simbahan, may malaking babae sa una ng upuan ko. No’ong tumayo na, nakita ko ko nakasuksuk sa puwit ng babae ang kanyang palda. Inabot ko at hinatak palabas. Nilingon nya ako at binigyan ng kaliwang “cross” sa mata.
Jose: O ba’t 2 ang black eyes mo?

Juan: Napag-isipan ko, mali ang aking ginawa. Kaya sinuksuk ko ulit yung palda sa puwit nya.

oOo

ALL OF THE ABOVE SMS JOKES courtesy of MIKE

Ideal Man

It has been a big relief to me that since our engagement, the love of my life took over the responsibility of being the head and the principal breadwinner of my family.

My utmost admiration goes to Kups, who despite our distance, really sees to it to give us almost everything. He provides my kids and me not just our basic needs, but also making sure that we live comfortably here in the Philippines.

Since Kups is already working on the family economic security, leads me to plan that perhaps now I can open health savings account where I can put all my blog earnings.

I really thanked God for giving me a partner named Kups. Really, my Ideal kind of man.

SMS Jokes 106

Jinggoy: Dad, bakit lumulubog ang karayom sa tubig? eh ang barko, napakabigat di lumulubog?
Erap: Common sense lang anak, panong di lulubog yung karayom eh may butas yun sa dulo!

oOo

Sabi ni P-Noy sa masa sa Luneta: “kayo ang boss ko.”
Nasabi niya iyon kasi wala pa siyang asawa!

oOo

Bagong kasal naghanimon sa ibang lugar. Naligaw sila at napadpad sa simbahan. Sila’y pinatuloy ng kura at pinatulog sa 2nd floor.

Sa kalagitnaan ng gabi nayanig ang 2nd floor.
PARI: Ano ba nangyayari dyan?
LALAKI: Wala po, 1st time lang po namin.

Paglipas ng 1ng oras naulit muli.
PARI: Ano nangyayari dyan?
LALAKI: Wala po, 2nd flight lang po namin.

Pagkalipas ng 1ng oras ang 1st floor ang nayanig.
LALAKI: Father, ano nangyayari dyan?
PARI: Wala, nag sosolo flight lang!

Continue reading

Kagamitan Sa Bahay

Nabanggit ko dati na last summer ay namili kami ng mga bagong kagamitan sa bahay sa Caloocan City kung saan malaki-laki din ang naging diskwento namin doon kung ikukumpara sa presyo sa mall.

Aktwali, medyo panis na ‘tong entry ko kasi last month pa dumating ang mga gamit na ipina-ship namin mula Manila hanggang dito sa Iligan City. Ngayon lang ako naka-tiempo na i-blog ‘to. Heniways, a total of 17 boxes lahat-lahat ang inabot ng mga furniture composed of living room set, dining set, at bed. Mahigit isang linggo ang paglalakbay neto sa karagatan. Nung dumating. halos mapuno lang naman ng mga kahon-kahon ang mansiones ko. Hindi ko na ipinapasok yung iba sa loob ng bahay dahil wala na kami madadaanan.

DSC00444-1

Malaki din ang naibayad namin sa shipment papunta dito sa Iligan City pero sa kwenta-kwenta ko, ok lang kasi kahit gumastos kami sa shipment, malaki pa rin ang na-discount namin. Gaya na lang netong L-shaped (4-piece) living room set.  Nasa 5-6 thousand pesos ang price difference nila (Caloocan vs mall).

DSC00454-1

Kaya gusto ko talaga i-blog ‘to dahil parang tip ko na rin ‘to sa mga nagbabalak na bumili ng mga furniture. Mga kapatid, doon na kayo Maypajo Street, Caloocan City mamili.

Pero kung ako sa inyo, bago kayo pumunta dun, tingin-tingin muna kayo sa mall. Hanap kayo ng design o style na gusto nyo at tandaan nyo na lang ang mga style at presyo para pagpunta nyo dun sa Caloocan eh alam nyo ang gusto nyo kasi baka malito kayo sa dami ng mga design dun. Tsaka para may comparison kayo ng presyo. Kung may talent kayo sa pang-uuto, baka mas matawaran nyo pa ng mas mababa retail price nila.

DSC00455-1

Hindi nga lang naka-aircon ang mga tindahan doon at hindi maayos ang pagkaka-display ng mga items, pero ang laki talaga ng matitipid nyo. Tiyagaan lang kung gusto nyo makamura dahil yung mga tinitinda nila eh yun din naman ang makikita nyo – halimbawa sa SM Home World. Libre naman delivery sa kanila basta within Metro Manila lang.

Dito sa dining set namin nasa 5-7 thousand din ang natipid namin. Naikumpara ko sa brochure ng SM Home World ang ganitong 6-seater, siempre sobrang mas mahal ang sa SM.

DSC00674

Alam nyo bang ako lang mag-isa ang nag assemble ng buong dining set na ‘to? Howel, ganyan lang naman ka-astig si Mamaru! Wahihi! Umandar kasi kabaratan ko at namamahalan ako dun sa 500 petot na sinisingil sa akin nung mama na mag a-assemble sana.

Dahil sa nangahas talaga ako na i-assemble ang mga upuan at ang mesa siempre hindi naiwasan na lumabas pa rin pagka-engot ko.

Andun yung bali-baliktad ang pagkakabit ko! Nagharap ang paa sa unahan at ang sandalan. Hayss…siempre, baklas at ulit na naman ako.

DSC00452_2

Sensya naman. Magandang babae lang po ako. May kahinaan. Pero wag ka, sakses pa rin naman.

DSC00676_2

Eto naman ang bagong bed namin ni Kups. Nasa 6-7 thousand din ang nakupit ko kay Kups este nadiskwento ko dito kumpara sa presyo sa mall.

Josko, nasaid ang lahat ng powers ko sa pag assemble ng bed. Ambigat kasi nung kutson. Parang sinipsip lahat ang lakas ko.

Pero sabi ko, ok lang kasi dito, oo, DITO kami maglulunoy sa kaligayahan ni Kups pag nakauwi na sya ng Pilipayns. Ayayaay!

DSC00462-1

Hinigpitan ko talaga ng todo ang mga screw neto, inayos ng pulido ang ilalim para siguradong hindi babagsak sa anumang papalapit na umaatikabong bakbakan!  Awoooooo!

SMS Jokes 105

To the new President:
“Hail to the Chief!”
To the outgoing one:
“Jail to the thief!”

oOo

Erap at FVR sa New York.
Nang makita ni Erap ang karatula ng YMCA agad niyang kinalabit si FVR at sabay sabi, “Eddie, tingnan mo o! Mali ang spelling nila ng MACY’S!”

oOo

TOK: Uy, Mol, tingnan mo itong nasa dyaryo.
MOL: Ako Missing?! Sino bang nag-report na nawawala ako?
TOK: Yung Mga Inaanak Mo!

Continue reading