Our Home-Kitchen Area

Work in progress pa rin kusina namin. Pero konti na lang naman. Isang kitchen island na lang sa gitna ang kelangan ko ipagawa para working table ko.

DSC00848

May mga hindi pa napipinturahan na cabinet. We used walnut wood stain for the cabinet…at si Mamaru lang po ang nagpintura nyan ha. šŸ˜€ Dami ko ng talent talaga na pwedeng pagkakitaan. Kung anu-anong trabaho na pang-contruction worker ang ginagawa ko. Iniisip ko nga, ano kaya kung subukan ko rin kaya gawing sideline ang pagba-barker sa mga pampasaherong jeep dito sa probinsya namin?

DSC00782

Sa mga susunod na araw…baka matapos ko na ang lahat ng pagpipintura ng mga cabinet.

DSC00783

Nagpaalam na rin yung 15-year old gas range/cooker ko. Pinintasan ng pinintasan noon ni Kups ang antique at kalawangin kong cooker. Ang totoo naman kasi eh yung oven na lang talaga ang gumagana dun sa luma at yung mga burner eh bungi-bungi na. Ang tagal ko pumayag na i-tsugi yung lumang cooker kasi nanghihinayang ako. Hehe!

DSC00709

Eto ang ipinalit namin. Simpleng 3-burner La Germana gas range. Para naman daw bumagay sa kusina namin. Naks!

DSC00712

Dahil sa mga hanging cabinet…nagpabili na rin ako kay Kups ng range hood.

DSC00799

Sa mga ilang araw na pag-aayos ko ng kusina namin, napansin kong dami ko na pala naipon na mga recipe leaflets, pamphlets, na ipinamimigay noon sa mga supermarkets. Yung iba ay postcards at newsletter from Del Monte Kitchenomics kung saan member-memberan si Mamaru. Kung saan-saan ko na lang kasi nailalagay. Ayan, siguro naman ay mapapakinabangan ko na ang mga ‘to ngayon dahil kitang-kita ko na sila sa iisang basket.

oOo

2 thoughts on “Our Home-Kitchen Area

  1. mamaru , yung 15 yr old gas range/cooker nyo po ba kasing sukat lang ng la germana mo ngayun?

    [Reply]

    MARUNo Gravatar Reply:

    Yes dear…same size at same color sila. Pero mas maganda at mas maraming feature ang dati kong cooker kesa dito sa La Germania. Tibay din kaya nga inabot ng 15 years yun. Batet mo naitanong?

    [Reply]

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *