Senti Mode

Nag-aayos ako ng mga files sa external hard drive ko. Susmio! Ang gulo! Dami ko na pala mga pics na naimbak lalo na dun sa naging trip namin last year ng mga kapatid ko sa Yuropa. Kesa naman na pahinugin na lang sa HD ko ang mga pics o kaya i-delete… napagpasiyahan kong i-upload ang iba sa Flickr account ko.

Habang nag-aayos, hindi ko maiwasan ang mag senti-mode, na-miss ko ang mga lugar na napuntahan namin. Maalala ko pa, nagliligawan pa lang kami noon ni Kups habang nasa biyahe ako. Lol!

Eto ang isa sa mga naging paborito ko…ang dream city ko – Paris, France. Manghang-mangha lang naman ako sa Eiffel Tower. Siempre nakanganga ako habang tinitingnan ko ng nakatingala ang tower. Hindi ko akalain na makikita ko ang pinapangarap na lugar. Wala akong masabi sa mga architectural structures ng siyudad. Super enjoy ako sa trip namin na ‘to kahit lahat kami nangangatog sa sobrang lamig. Hindi  namin alintana ang ulan nung araw na yun. Nakakapagod pero sulit na sulit naman.

Baka gusto nyo silipin ang ibang street scenes ng Paris na nakunan ko, tsek nyo DITO.

IMG_5663

IMG_5667

IMG_5342-1

IMG_5435-1

IMG_5668

IMG_5726

IMG_5623

3 thoughts on “Senti Mode

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *