Paano Ba Maging Mabuting Ina?

Mga 5 years ago, naalala ko may lalaking nagtanong sa akin sa chatroom.

“Mamaru, paano ko ba malalaman kung yung babae ay magiging mabuting ina in the future? Eh kasi inlab talaga ako at malay mo magkatuluyan kami ng gerlpren ko ngayon. 😀 “

Susme! Ako pa ang tinanong na isa’t kalahating lukaret pag kinakausap. Naalala ko, sinagot ko ang tanong nya ng walang kwentang tanong din na may kasamang pang-aasar. “Tapatin mo ko,  ano ba talaga hanap mo? Gerlpren o Nanay? Bah! At asa ka pang pakakasalan ka ha!!”

Wala akong matinong maisagot noon. Trulili lang, kahit na nanay na ako eh hindi ko pa rin alam kung paano ba talaga ang maging isang mabuting ina. Ang alam ko lang ay isa akong maganda, kahali-halina, kanasa-nasa  at katange-tangeng ina. Choos!

Tsaka mahirap sagutin ang ganung tanong dahil hindi naman ibig sabihin na kung ok kayo ng girlfriend na ka-relasyon mo ngayon, it will follow na magiging ok din syang asawa o ina in the future. Baka nga  sexy, matalino  at adventurous ang syota mo ngayon at magkasundong-magkasundo kayo. Kaso hindi naman yan lang ang kelangan na mga katangian para maging  mabuting ina.  Siempre kelangan hanapin mo rin yung mapagkalinga, maaasahan, praktikal, at mapagmahal na babae para maging nanay ng mga tsikiting mo.

Sa ngayon, meron na akong pwedeng i-share (lalo na sa mga single male readers ko) na mga palantandaan. Teka baliktarin ko, mga palatandaan o SIGN na baka HINDI maging mabuting ina ang syota mo in da future. Oist teka! Liliwanagin ko, pananaw ko lang ‘to ha?   

HINDI magiging mabuting ina ang babae kung:

  • AYAW NG ANAK – Kelangan pa bang i-memorize yan? It’s no-brainer, eh ayaw ng anak, natural ayaw maging ina. Pag sinabi ng syota mo na ayaw nya ng anak, paniwalaan mo! Huwag mong pilitin at isipin na sige lang at baka lumabas yung maternal instinct nya pag kasal na kayo at nagka-baby na. Haleer! Hindi laging ganun yun, mga kuya! Pag allergic  sa bata o baby ang syota mo, aasa ka pa bang magiging mabuting ina sya?
  • GIMIKERA –  Pag ang syota mo ay sosyalera, party animal, laman lagi ng mga bar, napapraning pag hindi nakakagimik pag weekend at nabo-bore pag nasa bahay lang – maalarma ka na! Walang masama sa pag-gimik. Pero ang matinong girlfriend dapat marunong makipag-kompromiso na kelangan rendahan nya ang  sarili sa nakakasanayang madalas at sobrang sosyalan. If your gf won’t compromise sa ngayon pa lang, sa tingin mo ba makikipagkompromiso sya pag mag-asawa na kayo at may beybi na? Baka katakot-takot na away lang ang mangyari sa inyo.
  • MAKASARILI – Sabi nga nila ( sabi ko na rin), ang isang mabuting magulang, uunahin at uunahin lagi ang kapakanan ng anak o pamilya sa anumang pagkakataon. Kung ang syota mo ay may ipinapakitang ugali na puro sarili lang nya ang inuuna at  inaatupag, spoiled brat at childish,  may chances na pag nagkatuluyan kayo…magiging kaawa-awa lang ang anak ninyo. Susme! Pag self-centered si partner mo, baka pagselosan pa nya mismo ang sariling anak nya bilang kaagaw sa pagmamahal at atensyon mo.
  • MAY BISYO -  Kelangan ng mga lalaki ang nanay ng anak nila ay isang responsable. Pero paano magiging responsable ang isang ina kung may bisyong kinahuhumalingan? May mga babae talaga na tipong self-destructive. Yun bang kaskasera kung mag-drive ng sasakyan, sugarol, adik sa droga o kaya lasengga. Natural ayaw mo na kamulatan ng mga junakis mo ang ganung mga senaryo and worse, malamang maipasa pa nga sa kanila ang ganung masamang bisyo. Nakakatakot di ba?
  • WALANG PASENSYA – Walang karapatan maging nanay ang babaeng walang pasensya. Sa mga readers na kapwa ko nanay, I am sure agree kayo sa akin na lahat ng mga bata ay KSP. Gusto nila yung atensyon at pagmamahal mo sa kanila ay constant. Most of the time, kids are unreasonable and they don’t listen. Para maintindihan ka nila, kelangan paulit-ulit mo silang pagsasabihan. Josko! Andun pang mga sumpungin ang mga linsyak, di ba? Susubukan talaga nila kung hanggang saan ang pasensya mo sa kakulitan at pagiging pasaway nila.  Kaya kung ang babae ay walang pasensya, haysus! kalimutan mo na lang mag-anak.
  • BAYOLENTE – Take note, mga ‘pre. Eto na ang PINAKA! Pag ang syota mo ay nanakit tuwing may away kayo o kaya sabihin na natin na bayolente pag bad trip sya – ay naku! hiwalayan mo na! Wag ka na mag anu-ano pa diyan, iwan mo na! Kasi ang ganyang arte ng syota mo, palatandaan na hindi pwede maging nanay ng mga anak mo. Tandaan mo, responsibilidad ng magulang  ang i-provide ng safe environment ang mga junakis nila habang lumalaki. Gugustuhin mo bang mai-expose sa pisikal at mental abuse ang mga anak mo mismo sa loob ng bahay nyo habang lumalaki?

Quote of the day:

Simply having children does not make mothers.  ~John A. Shedd

 

oOo